Muli natin bigyan ng kulay ang,Blangkong Pahina.
Title : Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date: 03/26/20
Date Posted in BP: 30/26/20
Date posted in Wattpad : 04/23/20Ikapitong Kabanata
Sheree's POV
Nakaupo ako sa upuan malapit sa bintana ng kwarto ko. Walang gana kong pinagmamasdan ang labas. Tiningnan ko ang mga taong parang masaya silang nakikipagdaldalan sa isa't isa. “Buti pa sila.” usal ko. May halong inggit ang nararamdaman ko sa kanila. Wala kasi silang inaalala. Hindi tulad ko, para akong naghihintay lang ng kamatayan ko. At hindi ko alam kung kailan darating. Mabuti pa ang mga taong tinaningan ng mga doktor, alam na nila kung hanggang kailan ang itatagal nila.
Narinig ko ang ilang katok sa pintuan. Hindi ko na lang pinansin, hinayaan kong pumasok na lang kung sino siya. “Gising na pala ang alaga ko.” bungad ni yaya pagkapasok niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hinayaan ko lang kung ano ang gagawin niya. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Wala ka bang balak gawin ngayon araw? Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa silid. Gusto mong magpaaraw?”
“Bakit pa? Para saan pa 'ya, balewala rin naman lahat ng effort ko.” sagot ko.
“Ay, saan nanggagaling 'yon?” ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Wala nga pala siyang alam. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, hindi naman siya maniniwala.
“Yaya, bakit nagpapakahirap ang tao na mabuhay kung mamamatay lang din? Bakit gusto ng iba na yumaman, hindi naman nila madadala yon pag namatay na sila? Bakit takot maghirap ang mayayaman? E, pag namatay naman sila, hindi na nila alam kung mayaman o mahirap sila.” ang dami kong tanong. Pero ang totoo, inililihis ko lang ang atensyon ko para kahit paano malibang naman ako.
“Ay, ano ba yon. Ang daming question marks.” lumapit si yaya sa akin at hinaplos ang buhok ko. “Bored ka na noh? Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo pero, kailangan mong bumalik sa dati. Hindi ka naman ganito dati. Hindi ka naman nagkukulong sa kwarto mo. Umuuwi ka lang dati kapag maliligo ka. Magpapalit ng damit. Kalsada at sm ang bahay mo. Gusto mo bang mamasyal? Magbakasyon? Mag-SM? Mag-update ka na kaya sa vlog mo. Matagal ka nang walang ina-upload. Naghihintay na ang mga followers mo.”
“Kapag ginawa ko ba ang mga yan, hindi na ako mamamatay?” walang gana Kong sagot.
“Bakit mo ba iniisip na mamamatay ka? Oo, doon mapupunta ang lahat pero ikaw, hindi pa ngayon.” napalingon ako sa kaniya. May konting inis na ang tono ng boses niya.
“What if, namatay na pala ako, tapos binigyan lang ako ng second chance yaya, pero hindi pala ako magtatagal.” tumulo na naman ang luha ko.
Napatingin ako sa dibdib niya, sa bahaging naroon ang puso niya. Yung torch sa puso niya, nakikita ko na. Malakas pa ito. Ibig sabihin, mahaba pa ang buhay niya.
“Ano bang sinasabi mo? O sige, kung second chance mo na nga ito, uubusin mo ba sa pagkulong lang sa kuwarto mo? Paano ang daddy mo?”
Naalerto ako nang mabanggit niya si daddy. “Si daddy? Nasaan siya?”
“Nasa study room.”
Mabilis akong tumakbo papunta roon. Hindi na ako kumatok sa pinto. Diretso akong pumasok sa loob. Humihingal akong huminto at sumandal sa pinto pagkasarado ko ulit no'n. Nabigla si daddy sa inasal ko. May kausap siya sa cellphone niya. Nakakunot ang noo niya nang tumingin sa akin. Sumenyas siya sa akin ng saglit lang. Agad kong tiningnan ang torch sa puso niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong malakas pa ito.
“Oh, my baby. Kumusta na ang baby ko? Sa wakas lumabas ka na ng silid mo. Sabi ng Yaya mo, ah nevermind.” kinausap na niya ako pagkababa ng tawag. Ngumiti lang ako. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. “Okay na ba ang baby ko?” tanong niya sabay yakap sa akin pagkalapit ko.
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...