Ikaanim Na Kabanata

5 3 0
                                    

Author's Note po muna,
Sa mga readers po ng BP, pasensya po kung hindi ako nakakareply sa mga comments nyo. Hindi lang talaga ako makapag reply kasi walang comment ang page ko. Pero nababasa ko naman po. Maraming thankyou po sa lahat ng nagbabasa Lalo na sa mga nagrereact, nagsi-share, at nagcocomment. Na appreciate ko po, sobra. I heart you all.

Pakulayin pa natin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsusulat sa,

Blangkong Pahina.

Title : Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date: 03/25/20
Date Posted: 03/25/20 in Blangkong Pahina

Ikaanim Na Kabanata

Zion's Point of view

Nabigla ako nang biglang hablutin ni Sheree ang hourglass ko. Pero mas ikinagulat ko kung paano niyang nagawang hawakan ito?

Isa lang siyang normal na tao. Wala siyang kakayahang humawak ng mga bagay na hindi nakikita, ni hindi rin siya nakakakita ng mga multo o ispiritu. Wala siyang third eye.

Nagsimula akong magtaka sa katauhan niya nang makita niya akong nakatambay sa isang restawran. Naghihintay ako ng makukulektang torch sa lugar na 'yon dahil may naka-schedule na mamamatay no'ng araw na 'yon.

Hindi ko na lang siya pinansin. Pero nasundan pa ng ilang beses ang aming pagkikita. May mga nalalaman na siyang hindi niya dapat malaman.

Nagtataka lang ako kung paano nangyayari ang mga 'yon?

Hindi kami nakikita ng mga taong may third eye dahil may taglay kaming kapangyarihan para hindi nila kami makita. Maliban na lang kung sadayin ng torch collector na magpakita sa kanila.

Iilan lang ang ang p'wedeng makakita sa amin na hindi namin mapipigilan, isa dito ay ang taong malapit nang mamatay. Minsan, inaakala nilang kami'y anghel na susundo sa kanila. Minsan nama'y nagpapanggap kaming kamag-anak o mahal nila sa buhay na yumao na, na susundo sa kanila.

Base sa torch na nakita ko sa puso ni Sheree, napakahina na nito. Kumbaga'y isang kandila na malapit nang maubos ang mitsa. Isang ihip lang ng mahinang hangin ay mamamatay na. Pero si Sheree, nagtagal pa siya ng ilang araw.

Napasinghap ako kapag naaalala ko ang tibay niya. Pursigido pa siyang mabuhay. Pero, sa kamatayan din naman siya nauwi.

Nagawa pa niyang agawin sa akin ang hourglass ko sa huli niyang hininga. Nakapagtataka talaga. Siya pa lang ang unang taong nakagawa nito.

Kinuha ko na ang hourglass ko sa kaniya. “Huh? Hindi!” nabigla ako nang makitang wala nang lamang torch ang hourglass. “Paanong nangyari ito?”

Tinapunan ko ng tingin si Sheree habang nakabulagta sa sahig. “Hindi ito p'wedeng mangyari!” Itinihaya ko ang katawan niya para makita ko kung tama ba ang nasa isip ko. “Paanong—” hinigop ng katawan niya ang lahat ng torch sa hourglass ko.

Napaluhod ako sa panlulumo. Ang torch na inipon ko nang mahabang panahon ay hinigop niyang lahat!

Nakita kong ang dating mahinang torch sa puso niya na naghahalo ang kulay dilaw at kahel ay naging kulay asul at masiglang nagniningas.

“Sino ka! Ano'ng klaseng nilalang ka!?” napasigaw ako sa galit. Pakiramdam ko'y nag-aapoy ako sa galit. Inubos niyang kunin ang pinaghirapan ko!

Kinuha ko ang gitara ko at pinutol kong lahat ng kwerdas nito. “Ang blue torch mo ang kapalit ng kinuha mo sa akin,  Sheree!”

Pinalupot ko ng mahigpit sa kamao ko ang dulo ng limang kwerdas at buong galit kong inihampas sa katawan niya ang kabilang dulo.

“Wag!” nabalik ang ulirat ko nang marinig ko ang sigaw ng isang tinig na pamilyar sa akin.

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon