Medyo hahabaan ko nang kaunti. 😂
Title : Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date: 03/21/20
Date posted in Fb: 03/21/20
Date posted in wattpad : 04/13/20Ikaapat na Kabanata
Pumasok ang doktor sa silid at tiningnan kung ayos na nga ako. “Kailan po ako p'wedeng lumabas, doc? Gusto ko nang makita ang daddy ko. Alam kong nag-aalala na siya sa akin.”
“Sa ngayon, kailangan mo munang palakasin ang katawan mo. Mukhang napakarami mong pinagdaanan. Mabuti na lang at sa balikat ka tinamaan ng bala. Hindi ka rin naman gaanong napuruhan nang mabangga ka ng kotse. Kapag malakas ka na p'wede ka nang makalabas ng ospital, Miss Sheree.”
“So, hindi pa ako mamamatay?” seryoso kong tanong. Bahagya siyang napatawa.
“Eh, bakit ba gusto mong mamatay na? Wala ka pa ngang sinasabi sa akin iha. Ni hindi naman alam kung ano ang nangyari sa 'yo? Matapos kang isugod dito ng driver na nakabangga sa' yo. Ang sabi niya lang tumatakbo ka galing sa gubat. Duguan. Bakit? At paano ka napunta do'n?” sunod sunod na tanong ni yaya.
Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. “Kapag ba nakwento ko na sa 'yo yaya, mamamatay na ba ako?”
“Ano ka bang bata ka! Don't say bad words!” Tinabihan ako ni yaya sa kama at hinaplos ang likod ko. “Everything's gonna be okay. You are not alone. I am here to stay.”
“Yaya,” pinigilan ko na siya bago pa niya masabi ang buong kanta ni Michael Jackson.
“Eh, nandito naman kami ng daddy mo. Kaya bakit ka ba nag-iisip ng ganyan?” dugtong pa niya.
“By the way, how's daddy?” tanong ko. Bigla ko kasing napansin na sa iba na napunta ang usapan. Hindi niya sinagot ang tanong ko tungkol kay daddy kanina.
“He's fine. He is stable now.” ang doktor ang sumagot.
“Stable?!” nagtataka kong tanong.
“Yes. Stable. 'Yong lamesa.” sinamaan ko ng tingin si yaya. “O siya. Matapos niyang makausap 'yong misteryosong tao sa telepono, nawalan siya ng malay. Kaya dinala namin siya dito sa ospital.”
“Nandito siya?” tumango ang doktor sa tanong ko. “Doc, kumusta po ang daddy ko? Hindi naman siya malala di ba? Hindi pa siya mamamatay?” medyo naghi-hysterical na ako. Kapag naiisip ko si Mr. Snobber. Pakiramdam ko lahat ng mahal ko sa buhay ay kukunin niya.
“Kagaya nga ng sinabi ko, stable na siya. Antayin lang natin na magising si Mr. Leybis. Kapag okay na ang pakiramdam niya, pwede na siyang ma-discharge. By the way, maiwan ko muna kayo.” tumango na lang ako pagkatapos ay umalis na ang doktor.
“Yaya. Dalahin mo ako sa kwarto ni daddy. Gusto ko siyang makita.”
“I'm sarreh iha.”
“Anong I'm sarreh?!”
“Hindi kasi kita kayang buhatin. I can't. So I don't.”
Tinaasan ko na lang siya ng kilay. “Magkano nga ang sahod mo?”
“Bakit? Tataasan mo?”
“Hindi. Ibibigay ko na ngayon tapos umuwi ka na sa inyo at 'wag ka nang babalik pa.” inuubos niya ang pasensya ko. Nag-level one tuloy ang kamalditahan ko.
“Ito namang alaga ko, hindi na mabiro. O siya, sumampa ka sa likod ko at dadalahin kita sa kwarto ng daddy mo, kayang-kaya kita, alam mo na, kabayo.”
“Kaya ko naman sigurong maglakad.” sagot ko. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa marating ko ang k'warto ni daddy.
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...