Title : TorchAuthor : Lyeoh NorahWritten Date : 04/20/20Date posted in BP : 04/20/20Ikadalawampu't Isang KabanataSheree's POV"Yaya, pakikuha naman ako ng juice." Utos ko kay Yaya habang kumakain kami ng almusal. Lutang ako ngayon. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari kahapon. Gulong-gulo pa rin ang isip ko."Hmm, may juice na kaya ang baso mo. Hindi mo pa nga nababawasan noh." Sagot niya.Tiningnan ko ang baso. Kinuha ko iyon at nilaro-laro ko ng kamay. Narinig ko ang pagbagsak ng kutsara at tinidor ni Yaya kaya tinapunan ko siya ng tingin. "Sandali nga. Hindi ka na makakain mula nang pumunta tayo sa lugar na 'yon. Kasalanan ko ito, dapat pala hindi na kita dinala roon. Lalo kang papayat sa ginagawa mo. Sheree, kumain ka na." Sabi niya.Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam ang gagawin, ya." sagot ko."Juice colored! Nagpunta lang tayo sa malabukid na lugar na 'yon nakalimutan mo na kung paano kumain? Gusto mo bang I-demo ko pa?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "Okay. Ang sa akin lang naman. Kailangan mong kumain kasi...wag mo na akong inggitin pa sa katawan mo. Tingnan mo ako, puro ako diet pero hindi naman ako pumapayat." Alam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko pero wala talaga akong gana."Paano mo nasasabing diet ang ginagawa mo e, ikaw nga halos ang umubos ng lahat ng pagkain." Itinaas ko para ipakita sa kanya ang hawak kong baso na may juice. "Eto lang ang natira, Yaya." pagkasabi ko no'n tumayo na ako at umalis."Ay, sarreh naman. Ipag-uutos ko na lang sa chef na ipagluto ka ng bago." Habol niya sa akin."Wag na Yaya, wala naman akong ganang kumain." Dumiretso ako sa mini garden at sumakay sa duyan na gawa sa rattan."Okay, alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Sige, ikuwento mo sa akin lahat. Ayaw kong makitang nagkakaganyan ang alaga ko." Sinundan ako ni Yaya dala ang isang baso na may juice at isang pitsel na puno rin ng laman. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa."Ikwento? Nasabi ko na sa 'yo lahat kagabi Yaya. Don't tell me, nakalimutan mo na agad?" Sagot ko. "Hindi ka pa rin tapos mag-amusal?" dugtong ko dahil iniinom niya ang dala niyang juice na kanina ang sabi niya ay para sa akin."Ay, hindi. Para sa iyo talaga 'yan. Dinala ko rito. Saka tinikman ko lang kung tama ang timpla." Umupo siya sa upuan sa tabi ng mesa. "Ano'ng gagawin mo ngayon?""Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung bakit ko pinuproblema 'yon! Wala naman sigurong mawawala sa akin kung pababayaan ko na lang di ba, Yaya?" Tiningnan ko siya para makita ko kung ano ang magiging reaksyon niya."Siguro." sagot niya. "Hay naku! Bakit kasi napasok ka sa ganyang gulo! Hindi ako makapaniwala.""Hindi mo p'wedeng pabayaan na lang ang lahat, Sheree! O mas dapat kong sabihing...Arie?"Tumingin kami ni Yaya sa pinanggalingan ng tinig. Bigla na lang may sumabat sa usapan namin. Isa pa, nasa second floor kami ng bahay kaya walang ibang daan kundi sa pintuan, pero wala namang pumasok doon."Kashmira?" Napatayo ako mula sa duyan. "P-paanong buhay ka pa?" Tanong ko. Umiling ako nang maalala kong mali ang tanong ko. "Ang ibig kong sabihin ay, paano kang nakabalik? Ang sabi ni Zion, wala ka na?""Naku! Sinong kausap mo?" Biglang nagtago si Yaya sa likuran ko."Hindi Yaya, wag kang matakot. Hindi naman 'yan mananakit." Sabi ko."Ah, kakampi siya! Pero hindi pa rin ako makampante, mas nakakatakot ang naririnig lang at hindi nakikita kaysa nakikita at naririnig.""Naririnig mo siya Yaya?" Tumango si Yaya sa tanong ko."See? Nadadamay na rin siya Sheree!" Saad ni Kashmira."Ano'ng ibig mong sabihin? Paanong Nadadamay na rin siya?!" Tanong ko."Hindi ka ba nakinig sa mga sinabi ni Hendra?""Sinong Hendra?" tanong ko ulit."Hayst, 'yong babaeng nagdala sa' yo sa nakaraan. Di ba, nagkita na kayo?""Paano mong nalaman?""Sheree, ang buhay mo ay parang pelikula. Pwede mong ulit-ulitin. Hindi mo personal na nakausap si Hendra. Isa 'yong ilusyon na inilagay niya roon sa lugar na' yon dahil alam niyang darating ang araw na hahanapin mo siya. Dahil sa kanya mo lang malalaman ang mga sagot sa mga tanong mo. Sa bawat pagkabuhay mo, nakatakda na ang araw na pupuntahan mo siya. Ang mga sinabi niya sa iyo ay ang mga sinabi niya rin sa mga nakaraan mong buhay. Parang recorded lang. May simula at may katapusan.""Ayoko na!!!..." Tumili si Yaya dahil sa takot. Bigla na lang siyang nahimatay. Isinakay ko siya sa duyan."Sandali nga." Baling ko kay Kashmira. "Bakit mo sinasabing hindi ko ito p'wedeng hayaan na lang ang lahat ng ito? Bakit!""Dahil sa mga nakaraan mong buhay, pinabayaan mo lang Sheree! Arie! Naduwag ka! Tinalikuran mo lang ang dapat ay ginawa mo! Dahil sa paulit-ulit mong pagtalikod lahat ng mga malapit sa iyo, sa bawat buhay mo ay madadamay sa sumpa! Di ba? Nadamay na kami? Na dapat ay hindi naman? Sino pa ang isusunod mo? Yan, ang Yaya mo? Ang daddy mo?!"Natigilan ako nang mabanggit niya si daddy. "Hindi! Wag ang daddy ko!" Si daddy na lang natira sa akin. Hindi ako papayag na pati siya mapahamak. "Hindi ko naman ito kasalanan ah! Hindi ko naman ginusto na isumpa ako! Bakit parang sinisisi mo ako? Ginusto ko bang makilala kayo! Madamay kayo!" Kumawala na ang mga luha ko."Oo, hindi mo nga ginusto! Pero wala kang ginagawa! Paulit-ulit mo lang tinatakasan ang lahat! Samantalang, ikaw lang din ang p'wedeng umayos nito!""Hindi ko alam Kashmira! Kung alam ko ginawa ko na sana noon pa! Pero wala akong alam! Hindi ko alam!" Sigaw ko.Narinig ko ang pagsinghal niya. "Hindi Sheree. Hindi totoong hindi mo alam! Kinalimutan mo lang! Alam mo bang anumang oras ay maglalaban sina Zion at Drake? At hindi 'yon matatapos! Dahil ang mga alaalang hawak nila ay base lamang sa kung ano ang bumalik sa kanila matapos na humiwalay ang ispiritu nila sa kanilang katawan. Sinubukan kong pigilan ang lahat. Inalis ko ang mga alaala ni Zion para pigilan ang paglalaban nila! Pero nahuli ako ng dating. Nakaalala na siya. Pero, ang mga alaala niyang bumalik ay hindi naman talaga sa kanya! Nakialam na ang mga Diablo! Dahil alam nila na ang pagkakataong ito ang siyang panig sa kanila. Pinanonood lang nila tayo na namamatay at nabubuhay ulit. Naghihintay ng tamang pagkakataon para sa kanila.""Wala akong maintindihan Kashmira! Wala akong maintindihan!" Napaupo ako, pumikit at tinakpan ko ang mga tainga ko. Ayaw ko nang marinig ang mga sasabihin pa niya. Wala akong alam sa lahat ng mga sinasabi niya."Hinihintay nila ang panahon na lalamunin ka ng takot mo! Dahil sa oras na yon, magtatago ka na lang! Tatakas! Yon ba? Yon ba ang gusto mo!?""Umalis ka na! Umalis ka na!" Sumigaw ako sa pinakamalakas kong tinig hanggang sa hindi ko na siya narinig.Dumilat ako at tumayo. Tumambad sa akin ang wasak na paligid. Parang dinadaanan ng bagyo."Sheree? Ano'ng ginawa mo?" Narinig ko si Yaya. Tiningnan ko siya. Itinatayo niya saang sarili matapos mahulog sa duyan. Nawasak din ang duyan. Si Yaya, may tumutulong dugo mula sa ulo niya."Ako ba ang may gawa nito?" Tanong ko."Ang buhok mo, bakit kulay blue na?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Yaya.Tumakbo ako at nagtungo sa kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang buhok ko, paanong naging kulay asul? Isiniksik ko ang sarili sa sulok at umiyak.********Wait lang po. Isa pa ngayon. I-tatype ko pa haha.
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...