02

920 27 1
                                    

There are lots of errors ahead and I have no time to edit all of those. For example, the word (shrug), I misused this word by saying "I shrugged my head" that when shrugging was supposed to be in your shoulder, and not on your head. Again, I am sorry for lots of errors ahead.

I wrote this story just last month and I am now on my 20th chapter, so that is why I cannot edit this story that easy. Once again, I am sorry and thanks for reading this story.

***

"Fuck this! Sa iisang higaan pa tayo magsasama?!"

Napapikit ako sa sigaw niya. Ang lakas kasi! Nakakasakit na talaga siya sa taynga ko. Hindi lang sa tenga.

"'Wag kang mag-aalala, sa sahig na lang ako matutulog." I rolled my eyes.

"Better," pagsasang-ayon niya.

Umiling na lamang ako at umalis na. Kailangan ko pang magluto para sa 'ming dalawa. Hindi kasi marunong si Kaiden mag-luto, eh.

Spicy noodles na lamang ang ulam namin ngayon. Tutal, pareho naman kaming mahilig sa maanghang ni Kaiden.

Maya-maya pa ay lumabas na siya sa kwarto niya na topless. Ako naman ay nag-prepare sa hapag upang makakain na kami. Madilim na rin sa labas.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakaniya. Agad naman akong umiwas at lumunok. Hindi ko naman maitatanggi na maganda ang katawan ni Kaiden.

"What are you staring at?" Maldito na naman ang tono niya ngayon. "Are you staring at my abs?"

Sinamaan ko siya ng tingin sa inis. Mamumula na sana ako. Hindi na lang, ang maldito, eh.

"Nasa'n ba ang abs diyan, Kaiden? Bakit bil-bil 'yong nakita ko?" Taas kilay kong banat pabalik.

Napangisi ako nang makitang umuusok na naman 'yong ilong niya sa inis. Mas ikinagulat ko nang hawakan niya ang pala-pulsohan ko at binantaan na akong suntokin.

I stared at his eyes directly. Hindi naman din ako takot sakaniya, eh.

"Sinisira mo talaga ang araw kong bakla ka, ano?" Galit na tugon niya at kwenilyohan ako.

"Sige! Suntokin mo akong bwesit ka-"

Mas ikinagulat ko nang itulak niya ako sa mesa at naramdaman ko na lang ang mainit na sabaw sa aking likod, at isang matalim na bagay sa likod ko.

Napadaing ako sa sakit. Tumba ang lamesa, naliligo na ako sa mainit na sabaw, at the worst is natusok ata ako.

I saw Kaiden's eyes filled with guilt. To make him calm down, I made sure na hindi tutulo ang luha ko.

Tumayo ako at umalis na roon. Pagpasok ko agad sa bathroom ay rito na ako napadaing sa sakit. Agad kong hinubad ang damit ko at tiningnan ang likoran ko.

At totoo nga, a piece of glass ay nakatusok sa likod ko. Napadaing ako at napaluha nang tanggalin ko iyon at dumudugo.

Takte! Nakalimotan ko ang medicine kit! Akmang lalabas na sana ako, pero napatigil ako nang dumating si Kaiden.

Hindi na niya ako magawang tingnan sa mata. May dala siyang medicine kit. Akmang lalapitan na naman sana niya ako, pero umatras ako.

"'W-wag kang lumapit s-sa 'kin," pagpipigil ko sa kaniya.

Napatigil naman siya at yumuko 'tsaka inilapag ang kit sa sink. Nang lumabas na siya ay agad kong kinuha 'yon at nilinisan ang sugat ko.

Hindi pa talaga ako tinulongan ng tukmol! Natural, pinaalis ko, eh. Ang sakit ng likod ko dahil sa paso rin, nahirapan akong abotin ang isa, kaya ay hinayaan ko na lang.

My Possessive Enemy (Series #1)Where stories live. Discover now