03

767 21 1
                                    

"E-Eh, ano naman kung m-may titingin na lalaki sa 'kin?"

Nauutal ko ulit na tanong sakaniya. Siya naman ay napatitig sa 'kin at ibinaba ang tingin sa tiyan ko bago umiwas ag nagmura.

"Fuck that sexy waist." Bulong niya, hindi ko masyadong klaro 'yon, basta ang klaro lang is 'yong mura niya. "Change your damn outfit, bata ka pa."

Natigilan ako doon. Oo nga naman. Turning grade 7 pa lamang ako and 12 years old pa. Pero nakasanayan ko na talaga na magsuot ng ganito noon pa man.

Napalunok ako at ngumiti. "Okay. Oversized na lang susuotin ko."

"Better," he said.

Padabog akong tumungo sa walk in closet at kailangan ko na naman na maghanap ng bagong damit. Nakakainis, ang epal talaga ni Kaiden!

Nakakuha na rin ako ng plain black oversized shirt na naka-tuck in sa jeans ko. Sana naman 'di eepal si Kaiden nito.

"Ito?!" Sigaw ko sakaniya.

Gulat naman siyang napabaling ng tingin sa 'kin bago ako sinamaan ng tingin. "Suntokin kita, e!" Babala niya. "Ingay-ingay mo."

"Ang suot ko, hoy!"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ag tumango na siya. "Okay na 'yan," tumango-tango siya bago ako sinamaan ng tingin, na naman. "Sa susunod, 'wag ka nang magsuot ng ganoong outfit."

"Eh, paano ba naman iyon ang hilig ko." Kunot noong sabi ko.

"Sinabi ko nga sa 'yo na maraming lalaki na titingin sa 'yo, 'di ba? At sa ganda ng katawan- ugh!" Inis niyang sinabunotan ang sarili niya.

Naningkit ang mga mata ko, I'm confused. "Huh?"

"Ang s-sabi ko..." Napapikit siya nang mariin. Baliw na ba kaya 'to si Kaiden? "Bata ka pa. Bakla ka pa naman, baka i-judge ka pa ng mga tao mahirap na. Kakahiya kaya 'yon, magsasama pa tayo sa mall mamaya at baka pagkamalan nila na kapatid kita."

I bit my lower lip. I can feel a pain in my chest. His words, it hurt me. Kung nawala na siya sa harapan ko ngayon ay baka umiyak na ako. Ang homophobic niya sobra.

"Tara na nga." Nauna na akong lumakad, iniwan siya.

My chest still hurts, pero hinayaan ko na lamang 'yon. His words gave me insecurities. Nakakahiya ba naman daw ako.

Hanggang sa taxi ay hindi ko siya pinansin. Ayaw ko rin naman na pansinin siya, e. Nakakasakit na kaya siya.

Nang makarating na kami sa mall ay binigyan ko na ang driver ng pera. Nauna na akong umalis at iniwan na si Kaiden.

"Hey, wait!" Tawag niya sa 'kin, pero hindi ko siya nilingon.

Nang maabotan na niya ako ay alam ko na masama na talaga ang timpla ng mukha nito. He even talked about nonsense things, pinapagilatan ako.

"Zior! Hindi mo ba ako kikibuin?!" Gulat akong napaharap sakaniya nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Napatingin-tingin ako sa paligid. Nasa loob na kami ng mall at para naman itong bata ang kasama ko kung makasigaw.

"Ano ba, Kaiden?!" Inis kong baling sakaniya.

"Ginawa mo akong baliw! I was talking right beside you at hindi mo ako pinapansin?!" Galit niyang sabi.

Wow, so now hinahanap niya ang attention ko? "Babaan mo nga ang boses mo," inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tinalikoran siya. "Nakakahiya ka."

At iniwan ko na siya. I don't really care kung nasaktan man talaga siya sa sinabi ko. Siya ang nanguna, e. Tumungo na ako kung saan ang mga uniform at pumili na roon. I was also asking where all the Fuente High's uniform is, and the lady helped me to find it.

My Possessive Enemy (Series #1)Where stories live. Discover now