Jolene
BINAWI ko ang kamay na hawak ni Atlas. Natigilan sya at rumehistro ang pagkabahala sa mukha.
"H-Hindi mo ko pwedeng magustuhan Atlas."
Kumunot ang noo nya. "Bakit?"
"D-Dahil magkaiba tayo. Prominte at edukado kang tao samatalang ako bokalista lang dito sa bar. Saka hindi tayo bagay." Sabi ko. Ang dibdib ko ay tila tinatambol sa lakas ng kabog nito.
Pagak syang tumawa. "Sugar, wala naman akong pakialam sa estado mo sa buhay. Ang importante sa akin ay ikaw. Gusto kita."
Kumagat labi ako. Gusto ko rin naman sya. Pero natatakot ako.
Bumuntong hininga ako at pinatigas ang mukha. "Pero hindi kita gusto." Sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Di mo ko gusto? Parang di naman yata ako naniniwala dyan." Nakangising sabi nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Nabura naman ang ngisi nya.
"Di nga kita gusto. Wag ka ngang asyumero." Mataray na sabi ko sabay irap. Pero ang mukha ko ay siguradong namumula na.
"Fine, di mo ko gusto kung yan ang sabi mo. Pero wala akong pakialam. Gusto pa rin kita at walang magbabago dun sugar."
At mula ng gabing yun ay lagi na nya akong kinukulit sa pagsinta nyang pururut sa akin. Kinikilig naman ako pero di ko lang pinapahalata. Pinapanindigan kong hindi ko sya gusto. Pero nararamdaman kong malapit na rin akong bumigay. Ikaw ba naman gabi gabi kang kinukulit ng isang gwapo, hot at sweet na gaya ni Atlas.
Nagsimula na ring ambunan nya ako ng iba't ibang regalo na tinatanggihan ko naman. Baka kasi kapag tinanggap ko lalo syang mag-assume na may gusto rin ako sa kanya.
"Hindi ko matatanggap yan Atlas." Tanggi ko sa gold bracelet na binibigay nya sa akin.
Kumunot ang noo nya. "Na naman? Ayaw mo rin nito?" Disappointed na sabi nya.
"Eh halatang mahal yan eh." Nakangusong sabi ko.
"Ano ba kasing gusto mo?"
"Pagkain na lang."
"Pagkain?"
"Oo, nagugutom na ako. Yun na lang ang ibili mo sa akin." Sabi ko.
Bumuntong hininga sya at pinatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse nya ang box ng bracelet.
"Sige na nga, pagkain na lang. Saan mo ba gustong kumain? May bukas pa naman sigurong resto ng ganitong oras." Aniya ay pinaandar na ang kotse.
Kalalabas ko lang ng bar at talagang hinintay nya ako hanggang mag uwian. Gabi gabi na nga nya akong hinihintay at hinahatid sa may kanto namin.
"Anong resto? Hindi tayo sa resto kakain no. Dun tayo sa may balutan at isawan. Miss ko ng kumain ng balut at isaw." Para na nga akong naglalaway maisip ko lang ang balut at isaw na sasayad sa bibig ko.
"Balut at isaw? Kumakain ka nun?" Kunot noong sabi nya.
"Oo, masarap kaya yun. Di ka pa ba nakakakain nun?" Taas kilay na tanong ko.
"Yung balut natikman ko na, di ko gusto ang lasa. Pero yung isaw di pa aka nakakatikim nun. Di ba bituka ng manok yun at daanan ng dumi." Nakangiwing sabi nya.
Umikot naman ang mata ko. Oo nga pala mayaman sya. So malamang sanay sya sa mga sosyal na pagkain at hindi kumakain ng mga ganung klaseng pagkain.
"Oo, pero nililinis naman yun bago lutuin. Pag natikman mo yun maaadik ka sa sarap." Namimilog ang matang hikayat ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...