Jolene
NAPAAWANG ang labi ko ng pagpasok ko ng bahay naabutan ko ang mag ama na naghaharutan sa sala. Nakalatag ang kutson at nakahiga si Atlas habang nakasakay naman sa tiyan nya si Jeremiah. Kinikiliti ni Atlas sa tiyan ang anak na ngayon ay halos di na makahinga sa kakatawa.
"Papa ayaw ko na po ahahahaha!"
"Hindi, gusto mo pa eh."
Inangat ni Atlas ang katawan ni Jeremiah at dinapa sa mukha nya. Nakadagan ngayon ang tiyan ni Jeremiah sa kanyang mukha. Ginalaw galaw nya ang bibig sa tiyan ng anak.
"Ahahahaha papa! Ayaw ko na po talaga ahahahaha!"
Tumikhim ako ng malakas para kunin ang atensyon ng mag ama. Tumigil naman sila sa harutan at tumingin sa akin.
"Mama!" Bumangon si Jeremiah at tumakbo palapit sa akin. Yumuko ako para makahalik sya sa aking pisngi. Ako naman ang humalik sa ulo nya. Medyo pawisan na sya. Kinuha ko ang bimpo sa kanyang likod at pinunasan ang pawis nya sa mukha at leeg.
"Heto may pasalubong ako sayo." Inabot ko sa kanya ang supot na may lamang tatlong pirasong donut. Paborito nya kasi ang donut.
"Wow donut! Pero madami pa pong donut ta ref mama. Dami nga po ulit natin pagkain eh."
Napakunot ang noo ko at tumingin kay Atlas na bumangon na. Nakakhaki shorts sya at t-shirt na puti.
Tumikhim sya. "Welcome home sugar." Malambing na bati ni Atlas.
Iningusan ko lang sya.
"Bumili ka na naman ng mga pagkain? Lumabas kayo ni Jeremiah?"
"Hindi kami lumabas, nagpadeliver lang ako."
"Ah, mabuti naman. Akala ko lumabas kayo eh."
Bumuntong hininga sya. "Bakit ba parang lagi kang walang tiwala sa akin? Hindi ko naman itatakas ang anak natin. Hindi ko sya ilalayo sayo. Hindi ko magagawa yun." Bagsak ang balikat na sabi nya.
Napanguso naman ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Alam kong hindi nya magagawa yun. Gusto ko lang subukan ang pasensya sya. Gusto ko lang syang asarin. Makabawi man lang ako sa mga paghihirap ko noon noong wala sya.
"Ano namang pagkain ang mga pinagoorder mo? Baka puro fast food yan at junk food." Nasabi ko na lang.
"Nagpadeliver ako kanina ng fast food dahil yun ang gustong meryenda ng anak natin pero kaunti lang naman ang pinadineliver ko. Pero kaninang tanghali nagpadeliver ako ng lutong pagkain sa restaurant. Marami pang natira nasa ref. Magpapadeliver na lang din ako ng pagkain para sa hapunan natin. Ano bang gusto mo?"
Bumuntong hininga ako. Sa mag iisang linggo na nyang patambay tambay dito sa amin ay puro sya padeliver ng pagkain. Palibhasa marami syang pera.
"Wag na, puro na lang deliver. Magluluto na lang ako iinitin ko na lang yung natirang ulam. Teka, nagsaing ka na ba?"
"Nagsaing na ako sa rice cooker."
"Mabuti naman. Pasok muna ako sa kwarto magbibihis lang ako."
"Gusto mong tulungan na kitang magbihis?" Pilyong sabi nya na ikinainit ng aking mukha.
"Heh! Dyan ka lang bantayan mo si Jeremiah." Inirapan ko sya at nagmamartsang pumasok na sa kwarto baon ang kumakalabog na dibdib.
Pagpasok ko sa kwarto ay nilock ko ang pinto. Baka mamaya bigla nya akong pasukin at akitin. Nanghihina pa naman ang tuhod ko kapag nasa malapit lang sya.
Wala pa akong sagot sa hinihingi nyang isa pang chance. Di ko kasi alam ang isasagot ko. Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko. Nagtatalo ang isip at puso ko. Gusto ng isip ko na wag na syang bigyan ng pagkakataon dahil baka mabigo lang ulit ako. Pero ang isip ko naman ay gustong gusto syang bigyan ng pagkakataon. Pero nitong mga huling araw parang sumasangayon na rin ang isip ko sa puso ko.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
Ficción GeneralLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...