Jolene
TINULAK ko pa si Atlas para mapalayo sa akin. Nag iinit ang mukhang inayos ko ang buhok at hindi makatingin sa anak. Si Atlas naman ay umuklo sa harap ni Jeremiah.
"Ah.. ano anak.. hindi kinakain ni papa ang mukha ni mama. Nagkikiss lang si papa at si mama."
Napasinghap ako at binatukan si Atlas na ikinagulat nya. Hihimas himas sa batok ba tumingin sya sa akin. Sinamaan ko naman sya ng tingin at nakangiting bumaling kay Jeremiah na litong lito ang ekspresyon ng mukha.
"Ano anak, wala lang yong nakita mo. Inaantok ka lang. Tulog ka na." Sabi ko sa anak.
Lumapit sa akin si Jeremiah at yumakap sa bewang ko sabay hikab.
"Tabi po ikaw sa amin ni papa mama. Miss na po kitang katabi eh." Lambing nya sa akin.
Natouch naman ako sa sinabi nya. Namiss ko rin syang katabi sa pagtulog.
May pilyong ngiti na tumingin sa akin si Atlas. "O tabi ka daw sa amin mama."
"Sige na po mama. Miss na kita yakap eh."
Kumagat labi ako at ngumiti. Hinaplos ko ang buhok ni Jeremiah.
"Oo na, tatabi na si mama."
At sabay sabay na nga kaming tatlo na nahiga sa nilatag na kutson sa sala. Maluwag pa naman ang epasyo. Binigay ni Atlas sa akin ang isang unan. Si Jeremiah naman ay humiga na sa gitna naming dalawa. Tinaas naman ni Atlas ang kumot sa aming katawan. Yumakap sa akin si Jeremiah at dinantay pa ang isang binti. Mukhang namiss nga nya talaga akong katabi. Simula kasi ng dumating dito sa bahay si Atlas ay dito na sya tumatabi sa pagtulog.
Tumagilid si Atlas at hinalikan sa ulo si Jeremiah na nakapikit na. Tumingin naman sya sa akin at dumukwang sabay halik sa aking noo.
"I love you sugar. I love you and our son." Bulong nya.
Ngumiti naman ako sa kanya. Ramdam ko namang mahal nya kami ng anak nya. At aminado naman akong mahal ko rin sya. Mahal ko pa rin sya. Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya kahit nagalit at naghinanakit ako.
Tumagilid sya ng higa at niyakap kaming mag ina. Humawak naman ako braso nya at pumikit. Parang ito na yata ang magiging pinakamasarap kong tulog. Dati pinapangarap ko lang ang ganitong tagpo. Nagtatanong ako sa isip noon kung ano ang pakiramdam na kasama naming magina si Atlas sa bahay at katabi sa aming pagtulog. At heto na nga ang sagot. Masarap sa pakiramdam na buo kami. Tila nalulunod ang puso ko sa saya. Sana permanente na ito.
.
.
**
KATATAPOS ko lang maglinis ng buong bahay at tinulungan ako ng mag ama ko. Sabado ngayon at walang pasok sa school at opisina ang dalawa. Ako naman ay day off. Si Leah ay may pasok sa tindahan. Bukod kasi sa tindera sya ay katiwala pa sya ni Nana. Parang manager na sya ni Nana. Oo nga pala, bukas ay dadalawin namin si Nana at si Tata. Sasabihin ko yun mamaya kay Atlas at kung gusto nyang sumama ok lang para makilala nya ang mga taong tumulong sa akin noong bagong salta ako dito sa Manila.
"Huu! Pagod po ako linis ng mga toys ko mama." Saad ni Jeremiah na nakapamewang pa. Tagaktak din ang pawis sa mukha at leeg nya.
Hinila ko sya palapit sa akin at pinunasan ng bimpo ang kanyang mukha, leeg at likod.
"Dami mo kasing toys kaya ayan napagod ka." Ang dami nyang laruan na puro binili ni Atlas. Ang nilinisan lang naman nya ay yung mga madalas nyang laruin. Masinop naman sya sa mga laruan at maingat. Yun siguro ang isa sa mga bagay na namana nya sa akin.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...