Chapter 17

25.6K 786 60
                                    

Jolene

NAKAHALUKIPKIP ako habang nakasandig sa pinto. Pinapanood ko si Atlas at si Jeremiah na naglalambingan sa maliit naming sala. Wala na akong nagawa ng papasukin ni Jeremiah si Atlas dito sa loob ng bahay. Heto nga at nakakandong na sya sa kanyang ama.

At itong si Atlas naman talagang feel na feel ang pagiging papa kay Jeremiah. Well sya naman talaga ang papa ni Jeremiah. Pagbibigyan ko lang sya ngayon dahil umiiyak si Jeremiah. Kahit hindi magsalita ang anak ko ay alam kong sabik sya sa ama at kitang kita yun ngayon. Ang alam nga nya ay nasa abroad ang ama nya. Yun kasi ang sinasabi ni Leah kapag nagtatanong tungkol sa ama si Jeremiah.

"Ang saya pagmasdan ng mag ama mo no?"

Nilingon ko si Leah na nasa likuran ko lang at nakasilip sa mag ama habang sumisipsip sa straw ng soft drink.

Bumuntong hininga ako. "Masaya ako para sa anak ko. Pero di ako masaya na nakita ko ulit sya."

"Weh di nga?"

Inirapan ko si Leah. Humagikgik lang sya.

"Dapat lang na maging masaya ka para kay Jeremiah. Nakita mo naman tuwang tuwa sya na makita ang papa nya. Hindi man nagsasalita ang batang yan pero alam kong sabik sya sa kalinga ng ama."

"Hindi kami ok ni Atlas. Hindi imporket napasaya nya ang anak ko dahil nakilala na sya na papa nito ay mawawala na ang sama ng loob ko sa kanya. Alam mong hindi biro ang pinagdaanan ko insan."

"Alam ko insan, pero para sa anak nyo dapat maging ok kayo. At least maging civil kayo sa isa't isa kung wala na talagang pag asang mag comeback kayo."

Tiningnan ko si Leah. "Ganun ganun na lang ba yun insan? Pagkatapos ng lahat magiging ok kami alang alang sa anak namin?"

"Eh anong gusto mo? Magsumbatan kayong dalawa tungkol sa nakaraan nyo sa harap ng anak nyo? Eh di na-stress lang ang anak nyo baka maghanap na lang sya ng bagong mama at papa."

Natahimik ako sa sinabi ni Leah. Ayoko namang ma-stress si Jeremiah sa amin ng ama nya.

"Pwede naman yun magsumbatan kayomg dalawa ni Atlas pero wag sa harap ni Jeremiah at hindi nya dapat naririnig. Tapos kapag nakaharap ang anak nyo umakto kayong ok. Ganun kasimple. Kayo ang mag adjust para sa anak nyo. Pero tingin ko naman sa ex mo wala naman syang problema. Halata sa hitsura nya miss na miss ka rin nya. Nakita ko nga niyakap ka nya kanina eh." Nakangising turan ni Leah sa huli.

Inirapan ko sya at humugot ng malalim na hininga. "Ang sabi nya naaksidente daw sya five years ago habang papunta sya sa airport at pabalik ng Zambales. Nagising na lang daw sya nasa hospital na sya at walang maalala kaya hindi nya ako nakontak noon."

Suminghap si Leah at namilog ang mata. "Totoo ba yan?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko."

Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi ni Atlas. Pero hindi ko naman ramdam na nagsisinungaling sya o nabubulagan na naman ako sa samu't saring nararamdaman ko ngayon.

"Jo, sa tingin ko kawalan ng komunikasyon ang naging problema nyong dalawa. Pag usapan nyo yan ng puso sa puso para magkaintindihan kayong dalawa alang alang kay Jeremiah. Sige pasok muna ako sa loob mg kwarto para makapagbihis." Pumasok si Leah sa loob ng bahay. Nagkatinginan at nagtanguan pa sila ni Atlas.

Naiwan naman ako sa may pinto at nakasandal lang habang pinapanood ang dalawa sa walang katapusang kwentuhan. Kahit paulit ulit lang ang kinukwento ni Jeremiah ay mataman pa ring nakikinig si Atlas. Ngayong magkatabi sila madaling masabing mag ama nga sila dahil sa laki ng pagkakahawig nila. Parang batang version ni Atlas si Jeremiah. Oh di ba? Ako ang nagpakahirap mag isa sa anak namin pero hindi ako ang kamukha. Kaya ang sarap satap kutusan ni Atlas.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon