Chapter 38

22.9K 704 42
                                    

Warning 🔞

Jolene

NASUNDAN pa ng dalawang beses ang engkwentro namin nila Tita Emie at Tito Rene. Una ay sa baranggay, pinagpipilitan talaga ni Tita Emie na sa kanya na ang bahay. Ang dahilan nya ay ang malaking utang sa kanya si mama at iniwan na nito ang bahay sa kanila kaya may karapatan daw sya kung anomang gawin nya sa bahay.

Pero dahil ako na anak na naghahabol sa bahay ng magulang ko ay mas may karapatan ako lalo na at may papel ako na nagpapatunay na sa amin ni mama ang bahay. At mabuti na lang ay nilagay din ni papa ang pangalan ko sa papel kaya kahit si mama na mismo ang magsabi sa kanila na ibenta ang bahay ay may karapatan pa rin akong maghabol. 

Hindi pinanigan ng baranggay si Tita Emie. Pero nagmamatigas pa rin sya at pinapahiya pa ako sa mga taong nasa baranggay. Pero kahit na anong salita ang ibato nya sa akin ay hindi na ako naaapektuhan. Wala na akong pakialam. Nakakalungkot lang na sila pa mismo na kadugo at kamag anak ko ay ganito ang trato sa akin. Hindi lang nila ako makanti at puro salita lang sila dahil lagi kong kasama si Atlas. Nangingilag sila rito.

Ang sumunod naming pagkikita ay sa korte na. Pagkatapos ng libing ni Tito Jojo. Ang abogado na ni Atlas ang humarap sa kanila. May abogado din sila. Pero mas magaling di hamak ang abogado ni Atlas. Madali lang namin naipanalo ang kaso at kami ang pinanigan ng korte. Akin na ang bahay at sila naman ay sa ayaw nila at gusto ay aalis sila sa bahay dahil kung hindi ay ang otoridad na ang mage-escort sa kanila paalis sa bahay namin. Galit na galit si Tita Emie at si Tito Rene sa akin pero wala naman silang magagawa dahil korte na ang may utos.

Tinanong pa nga ako ni Atlas kung gusto kong pananagutin ang tiyahin at tiyuhin ko dahil sa pangangamkam nila sa bahay namin. Pero tumanggi ako, sapat na sa akin na umalis sila. Tama na ang ilang taon na naghari-harian sila sa bahay ng papa ko at tinanggalan ako ng karapatan.

Ginala ko ang mata sa loob ng bahay namin.  Makalipas ng limang taon ay ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. Ganun pa rin ang hitsura ng loob ng bahay namin. Maliban lang sa luma na ang pinturang puti na naninilaw na dahil sa usok ng mga sigarilyo. Halos malimas na ang loob ng bahay dahil maraming gamit ang hinakot nila Tita Emie. Naiwan na nga lang ang luma naming sofa na butas butas na at puro packing tape, ang dalawa naming lumang aparador na puro sulat ng pentelpen at ang luma naming refrigerator. Maraming gamit pa nga ang kinuha nila na hindi naman sa kanila gaya ng mga set ng plato, mangkok at baso pero hinayaan ko na lang yun. Madali lang naman palitan yun. Ang kwarto ko ay si Ella pala ang gumamit ng palayasin ako ni mama. Ang mga gamit kong naiwan ay nakita kong nakasako. Pero atleast ay hindi nila tinapon.

"Sugar."

Nilingon ko si Atlas na nasa likuran ko. Inabot nya sa akin ang isang brown envelope. Kinuha ko naman yun at sinilip ang papel na laman. Napangiti ako ng makita ang orihinal na kopya ng titulo ng lupa. Kung paano yun nakuha ni attorney ay hindi ko alam, pero maraming salamat sa kanya.

Ngumiti ako kay Atlas. "Thank you Atlas. Kung wala ang tulong mo hindi ko alam kung paano mababawi ang bahay na ito mula sa tiyahin at tiyuhin ko."

Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa noo. "Sabi ko naman sayo ako ang bahala sa lahat. Syempre hindi ko hahayaan na mahirapan ka."

Yumakap ako sa bewang nya at sumubsob sa malapad nyang dibdib. Sininghot singhot ko pa ang mabango nyang amoy. Lately gustong gusto kong amuyin sya.

Niyakap din nya ako at hinalik halikan sa buhok.

"So anong plano mo dito sa bahay nyo? Sa tingin ko kailangan na nito ng make over."

Tumingala ako sa kanya. "Saka na siguro kapag may pera na ko."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon