Jolene
NAPAPABUNTONG hininga ako habang nakatingala sa bahay ni Atlas. Di ako makapasok dahil wala akong susi. May kataasan din ang gate. At kahit makapasok ako sa loob ng gate ay di rin ako makakapasok sa loob ng bahay. Ang mga bintana ay may rehas na bakal pa. Nailagay ko ang susi sa bulsa ng bag pack na natupok na ngayon sa sunog sa loob ng bar. Wala akong damit na pamalit ngayon. Ang dala ko lang ay ang shoulder bag ko. Mabuti nga ay nahablot ko ito kanina bago ako hilahin ni kuyang bouncer palabas ng dressing room.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tumalikod na. Naglakad lakad ako habang nag iisip.
Bumalik kaya ako sa bahay? Baka papasukin na ako ni mama. Kung hindi naman kukunin ko na lang ang ibang damit ko. Pero sana papasukin na nya ako at patawarin. Tutal naman, bahay ko rin yun. Mas may karapatan ako kesa sa mga kapatid nya.
Ng may dumaang traysikel ay pinara ko na yun at sumakay.
Pero ganun na lang ang panlulumo ko ng pagdating ko sa bahay ay sarado ito at walang katao tao. Nakalock ang pinto sa harap at likod pati na rin mga bintana. Mukhang umalis silang lahat. Naiiyak na umupo ako sa hagdan ng terrace.
"Jolene walang tao dyan sa bahay nyo kagabi pa."
Nag angat ako ng mukha. Pinunasan mo ang luha sa aking pisngi. Nakita ko ang kapitbahay namin na si Aling Susie.
"Saan po sila nagpunta Aling Susie?"
"Eh ang sabi ng Tita Emie mo mag outing daw sila at sagot ng mama mo ang lahat. Mga three days yata, yun ang sabi eh."
Bumagsaka ang balikat ko sa sinabi ni Aling Susie. Naisip ni mama na mag-outing kasama sila Tita Emie pero ako di nya naisip. Ganun na ba sya ka-walang puso sa akin? Anak nya naman ako ah. Muling tumulo ang luha ko sa sama ng loob. Saan na ako pupunta ngayon?
Pinunasan ko ang luha at tumayo na. Nagpasalamat ako kay Aling Susie.
"O saan ka pupunta nyan?" Tanong ni Aling Susie.
"Kanila Leah po, doon po muna siguro ako."
"Aba'y mabuti nga. Mas mabait naman ang mga tiyahin at tiyuhin mo sa side ng papa mo kesa sa side ng mama mo."
Ngumiti na lang ako at di na sumagot.
Pero hindi ako kanila Leah dumiretso. Ayokong makaabala doon.
Pumunta ako sa bayan at pumasok sa isang fast food chain. Mag a-alas dies na at wala pa akong almusal.
Habang kumakain ay pinagiisipan ko ang susunod kong gagawin. Di ako pupwedeng panghinaan ng loob sa mga problema ko. Madadamay ang baby ko.
Mabuti na lang ay may pera ako. Malakilaki din ang naipon ko sa ilang pagtatrabaho ko sa bar. Kaya nga nakakalungkot na nasunog ito. Mukhang matatagalan pa bago ulit ito mag operate dahil sa laki ng damage.
Biglang kong naalala ang atm card na binigay ni Atlas. May lamang pera yun at malaki laki rin. Kung di na ako babalikan ni Atlas kukunin ko ang pera doon at ilalaan ko sa panganganak ko. Pero bago ko isipin ang tungkol sa panganganak ko ang dapat kong isipin ay ang kalagayan ko ngayon. Sa sitwasyon ko ngayon mahihirapan akong tumuloy sa pag aaral. Pinalayas ako at walang gamit. Tapos buntis pa ako. Saan ako titira ngayon? Kailangan ko ring maghanapbuhay para sa amin ni baby. Di pwedeng iasa ko lang ang lahat sa perang meron ako tapos wala namang pumapasok. Saan naman ako hahanap ng trabaho dito sa amin? Mahirap maghanap ng trabaho dito sa lugar namin at kung makahanap man ay mababa naman ang sweldo.
Naalala ko si Leah na sa Manila nagtatrabaho. Pwede akong pumunta sa Manila. Ang sabi nya marami daw pwedeng pasukan doon basta masipag ka lang.
Binitawan ko ang hawak na burger at dinukot ang cellphone sa bag. Binuksan ko ang data ko at tiningnan kung online si Leah pero di sya nakaonline, baka may ginagawa. Kaya tinawagan ko na lang sya. Nakailang ring bago sya sumagot. Naiyak ako bigla ng marinig ang boses nya at narinig nya yun. Sa sitwasyon ko ngayon gusto ko ng may makakausap yung makakaintindi sa akin. Pakiramdam ko kasi mag isa lang ako. Mabigat na mabigat ang dibdib ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...