Jolene
"PAPA! Mama!" Tumatakbong sumalubong sa amin si Jeremiah pagbaba namin ng sasakyan. Una syang yumakap sa akin at nagpabuhat. Mahigit dalawang linggo ko din syang hindi nakita at nayakap. Sa video call ko lang sya nakikita at nakakausap. Miss na miss ko na ang baby boy ko.
"Parang bumigat ka yata lalo anak? Anong ginawa mo ha?" Malambing na pinanggigilan ko ang matambok nyang pisngi. Panay naman ang hagikgik nya.
"Naku, puro kain ang ginawa nyan. Silang dalawa ni Ava." Sambit ni Tita Anita.
"Hindi ako kumakain mommy ah, tumitikim lang ako." Nakangusong sabi ni Ava na iniusyoso na ang dala naming pasalubong.
Nagpabuhat naman si Jeremiah sa ama nya at silang dalawa naman ang naglambingan. Halatang miss na miss nila ang isa't isa.
Si Tita Anita naman ay kinamusta si Leah. Ok na sya ngayon at magsisimula na ulit sa panibagong buhay na wala ang kanyang ama. Mas dodoblehin pa raw nya ang kayod para sa mga kapatid nya. Si Tata at si Nana ay hindi man nakapunta sa burol ay nagpaabot naman ng malaking tulong. Parang anak na rin kasi ang turing nila kay Leah. Si Atlas ay nangako din ng tulong. Bibigyan daw nya ng scholarship ang mga kapatid ni Leah.
Pumasok kami sa loob ng bahay bitbit ang mga pasalubong namin na kinakalkal na ni Ava. Puro pagkain ang laman nun, mga delicacies ng Zambales.
Dumiretso kami sa hapag kainan at may nakahain ng pagkain. Sakto rin kasi sa hapunan ang uwi namin.
Pagkatapos ng hapunan ay nagkwentuhan pa kami sa living room habang nagtsatsaa. Dito na rin kami nagpalipas ng gabi at kinabukasan na kami umuwi sa bahay namin.
--
Matulin na lumipas ang mga araw at linggo. Puspusan na rin ang paghahanda namin ni Atlas para sa nalalapit naming kasal. Kabado nga ako na naexcited. Pero si Atlas ay excited na excited. Nagrequest pa nga sya sa wedding organizer namin kung pwedeng mas agahan pa ang petsa. Nakakaloka sya kung minsan.
Ako naman ay nagresign na sa planta at magnenegosyo na lang. Balak kong inegosyo ay rtw at gustong sumosyo sa akin ni Ava na pinayagan ko naman. Maganda nga yun na may kasosyo ako. Yun din pala ang gusto nyang inegosyo kapag nakagraduate sya. Handa din tumulong sa akin si Tita Anita. Iti-train daw nya ako dahil may alam sya pagpapatakbo ng negosyo. Pero mas maganda daw kung mag aaral ulit ako. Yun ang suhestiyon ni Tita Anita na sinangayunan naman ni Atlas. Sya daw ang magpapaaral sa akin. Kasalanan naman daw kasi nya kung bakit hindi ako nakapagtapos ng pag aaral kaya gusto nya raw bumawi sa akin. Nahihiya man ay hindi ko na yun tinanggihan. Yun naman kasi talaga ang pangarap ko ang makapagtapos ng pag aaral.
"Yehey!" Tuwang sambit ni Jeremiah ng maikabit na nya ang star sa tuktok ng christmas tree. Buhat buhat sya ni Atlas.
I-on ko naman ang switch ng christmas light at nagliwanag ang malaking christmas tree. Lalong naexcite si Jeremiah na pumalakpak pa.
"Mama ang laki po ng christmat tree natin!" Bulalas nya.
Natawa ako at lumapit sa kanya sabay pisil sa kanyang pisngi. Hinapit ako sa bewang ni Atlas sabay halik sa sentido ko.
"Merry Christmas sugar." Nakangising sambit ni Atlas.
"Merry Christmas ka dyan. November pa lang no." Natatawang sabi ko.
Tumawa din sya. "Ganun na rin yun. At saka simula ng makasama ko kayo ni Jeremiah araw araw pasko ang pakiramdam ko."
Pabirong kinurot ko sya sa tagiliran. "Para ka ring anak mo."
"Syempre kanino pa ba sya magmamana kundi sa akin." Proud pa nyang sabi.
"Oo na."
Sabay na naming pinagmasdan ang maliwanag na christmas tree. Ang sarap nitong pagmasdan. Nagwish pa nga si Jeremiah. Ang aga nyang magwish. Tinatanong nga namin kung ano ang wish nya. Secret daw. Natawa na lang kami ni Atlas. Marunong ng magsecret ang baby boy namin.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...