Chapter 37

21.3K 743 32
                                    

Jolene

WALA akong kangiti ngiti habang binabaybay ng sasakyan namin ang kalsada papunta sa bahay namin. Palingon lingon sa akin si Atlas.

Kaninang umaga paggising namin ay nag almusal lang kami at naligo saka lumabas ng bahay. Pero imbes na dumiretso kami sa bahay nila Leah ay didiretso kami sa bahay namin na nanganganib na mawala sa amin. Bumabangon na naman ang sama ng loob ko sa mga kapatid ni mama. Nagngingitngit ako. Ang kakapal ng mga mukha nila. Pinatira na nga sila wawalanghiyain pa nila ang bahay namin at ibebenta pa. Kung dati nakakapagtimpi pa ako dahil kapatid sila ni mama puwes ngayon wala ng tiya-tiyahin at tiyu-tiyuhin sa akin. Hindi ko hahayaan na lapastangin lang nila ang bahay ng papa ko.

"Sugar, kanina ka pa walang imik ah. May problema ba? Saan ba tayo pupunta?" Untag sa akin ni Atlas. Nakarehistro sa kanyang mukha ang pag aalala.

Tumingin ako sa kanya. "Sa bahay namin."

"Sa bahay nyo? Eh nalampasan na natin ang bahay nyo ah." Aniya at lumingon sa likod.

Kumunot naman ang noo ko. Saka ko lang naalala na ang alam nyang bahay namin ay ang bahay kung saan ako nagpapahatid sa kanya noon.

Ngumisi sya. "Oo nga pala, hindi nyo pala bahay yun. Nautakan mo ko noon sugar ha. Alam mo bang pagdating ko dito galing Cebu doon ako agad sa bahay na yun pumunta? Napahiya pa ako dahil hindi daw doon nakatira si Jessica at wala silang kilalang Jessica. Hilong hilo na nga ako kakahanap sayo pero walang nakakakilala sayo. May nagpakilalang Jessica pero lola na."

Kumagat labi ako at muntik ng matawa sa huling sinabi nya. Pero agad din akong naguilty. Alam kong may kasalanan din ako. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong pangalan ko at totoong address.

"Sorry Atlas, hindi ko nasabi sayo ang totoong pangalan ko." Sa sobrang haling na haling ako sa kanya noon ay nawala rin sa loob ko na sabihin sa kanya. Hanggang sa nagkalayo na kami ay hindi nya pa rin alam. Nalaman lang nya ang totoo kong pangalan ng muli kaming magkita.

Hinawakan nya ang kamay ko. "It's ok sugar, natatawa na lang ako kapag naaalala yun. Ang importante magkasama na tayo ngayon at nagsasama na tayo sa iisang bubong." Dinala nya ang kamay ko sa labi nya.

Sumandig naman ako sa balikat nya. Ang buhok ko naman ang hinalik halikan nya.

--

Iginala ko ang mga mata sa bakuran ng aming bahay pagbaba ko ng sasakyan. Limang taon kong hindi nakita ang bahay namin. Namiss ko ito. Ganun pa rin ang hitsura ng bahay namin maliban sa kinakalawang na ang alulod ng bubong at niluluma na ang pintura. Patay na rin ang mga halaman sa gilid ng terrace at nagkalat ang mga tuyong dahon. Nakita ko ang dalawa kong pinsan na malalaki na na nagsusulat sa terrace.

"Sugar, ito na ba ang bahay nyo?" Tanong ni Atlas ng tumabi sa akin at ginala din ang mga mata sa bahay.

"Oo, at mukhang pinabayaan na ng mga nakatira dito." Naiinis na sambit ko.

"Jolene? Ikaw ba yan?"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Aling Susie."

Namilog ang mga mata ni Aling Susie at ngumiti. May hawak pa syang walis tingting ng lumapit sa akin.

"Ikaw nga! Aba'y kay tagal na kitang hindi nakita. Ang sabi ng mama mo noon ay nasa Maynila ka na daw. Mukhang nahiyang ka sa Maynila ah, lalo kang gumanda."

Ngumiti ako kay Aling Susie. Medyo tumanda na rin ang hitsura nya at may puting buhok na.

"Salamat po Aling Susie. Kamusta na po?"

"Aba'y heto, tumatanda na. Pumuputi na ang buhok at nirarayuma na. Kamusta ka na rin at sino itong gwapong mama na kasama mo?"

"Ah sya po -- "

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon