Chapter 15

24.5K 786 93
                                    

Present day..

Jolene

"GOOD morning na po mama." Bati sa akin ng bibong bibo kong anak pagmulat ko ng mata. Ngiting ngiti sya na nakatanghod sa akin. Sino ba naman ang hindi gaganahan  sa umaga kapag sya ang makikita ko. Ang pogi pogi talaga ng baby boy ko. Manang mana sa manggo-ghost nyang papa.

Kinurap kurap ko ang mata at naginat sabay ngiti.

"Morning baby ko. Yakap mo nga si mama." Lambing ko sa kanya.

Sumakay sya sa ibabaw ko at dumapa sabay yakap sa akin. Niyakap ko din sya ng mahigpit na mahigpit. Hagikgik naman sya ng hagikgik. Ang sarap sa tenga ng maliit nyang tawa. May kabigatan na sya pero keri lang. Hanggat bata pa sya ay gusto ko syang yakapin ng ganito dahil mabilis lang lumipas ang panahon.

"Anong oras na baby ko?"

"Ala tais na po mommy. Nagluluto na nga po ta labat ti Tita Leah eh."

Natawa ako sa pagkabulol nya sa letrang s. Tuwid na syang magsalita pero sa s lang sya talaga minsan nahihirapan. Di bale paglaki nya mabibigkas din nya yun ng tama.

"Bangon na tayo anak. Papasok ka pa sa school." Umalis na sya sa ibabaw ko.

Bumangon na ako at hinawi ang kurtina sa bintana. Binuksan ko na rin ang bintana at pumasok ang sinag ng araw. Masarap sa balat ang sinag ng araw sa umaga. Niligpit ko na ang higaan namin. Tinulungan naman ako ni Jeremiah at sabay na kaming lumabas ng kwarto.

"Morning." Bati ko kay Leah.

"O gising ka na pala insan. Kumain na kayo ni Jeremiah dahil maaga pa kayo sa school nya."

Nakahain na sa plastic naming mesa ang sinangag, pritong itlog, hotdog na paborito ni Jeremiah at tuyo.

"Eh ikaw di ka ba sasabay?" Kinuha ko sa tauban ng baso ang mug ko at mug ni Jeremiah.

"Mamaya na, tatapusin ko muna yung labahin ko. Sya nga pala Leah, birthday pala ngayon ni Nana. Pumunta daw kayong mag ina mamaya sa bahay nila wag mo daw kakalimutan. Namimiss na daw nila si Jeremiah."

"Oo nga pala, birthday pala ni Nana muntik ko ng makalimutan." Bulalas ko habang nilalagyan ng mainit na tubig ang mug namin ni Jeremiah.

"Pupunta po tayo kanila Nana mamaya mama?" Nagniningning ang matang tanong ni Jeremiah habang ngumunguya na ng hotdog.

"Yes baby, birthday ni Nana ngayon."

"Yehey! Kakain na naman ako ng matarap na luto ni Nana." Excited na sabi ni Jeremiah.

Paborito nya kasi ang luto ni Nana. Masarap naman talagang magluto ng chinese food si Nana. Noong naglilihi nga ako gustong gusto ko rin ang luto ni Nana. Lalo na yung chow mien at sweet and sour pork. Pinaka paborito ko yun. Si Jeremiah naman ay kung pao chicken ang paborito.

Sobrang lapit ni Nana at ni Tata kay Jeremiah. Apo na nga ang turing nila dito at spoiled na spoiled ang anak ko sa kanila. Tinuring na rin kasi ng mag asawa na lucky charm si Jeremiah sa tindahan nila na ngayon ay lumaki na at nagkaroon pa ng branch na si Leah ngayon ang tumatayong katiwala. Nakapagpatayo na nga rin sila ng kainan na puro chinese food na dinadagsa din ng mga tao. Kaya tuwing birthday ni Jeremiah marami syang natatanggap na regalo at pera sa mag asawa. Kahit pupunta lang kami doon ay lagi syang binibigyan kaya itong anak ko gustong gusto lagi na pumupunta doon.

Di naman kalayuan ang tindahan dito sa inuupahan naming apartment. Pwedeng lakarin pwede ring sumakay ng traysikel. Di lang kasi kami madalas nakakapunta doon dahil busy ako sa bago ko ngayong trabaho sa planta ng yelo bilang logistic manager. Swerteng natanggap ako agad sa trabahong yun kahit hindi ako college graduate. Maganda naman ang pasweldo at eight hours lang ang pasok ko. 

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon