Jolene
NAGISING ako sa boses ng anak ko sa labas ng kwarto. Kinapa ko ang cellphone sa may ulunan para tingnan ang oras. Pasado alas sais na ng umaga.
Bumangon na ako at niligpit na ang higaan. Kailangan ko pang paliguan at pakainin si Jeremiah dahil papasok sya sa school.
Humihikab at nagkakamot sa ulo na lumabas ako ng kwarto. Antok na antok pa ako.
"Good morning mama." Bati sa akin ni Jeremiah na nasa mesa.
Ngumiti ako sa kanya pero agad ding nabura ang ngiti ko ng makita si Atlas. Oo nga pala muntik ko ng makalimutan, dito pala sya natulog kagabi dahil nagwawala si Jeremiah. Magkatabi silang natulog mag ama sa sala dahil hindi naman sya pwedeng matulog sa kwarto. Tiningnan ko ang maliit naming sala. Malinis na yun at maayos ng nakaligpit ang foam at mga unan.
"Morning sugar." Bati ni Atlas sa akin na may matamis na ngiti sa labi.
Hindi nakalampas sa mata ko kung paano nya ako hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa na syang ikinainit ng aking mukha.
"Kain na sugar, nakaluto na si Leah." Alok sa akin ni Atlas. Pero di ko sya pinansin at hinanap si Leah.
"Nasaan si Tita Leah mo Jeremiah?"
"Lumabat po mama bumili ng shampoo." Sagot ng anak ko habang ngumunguya. May hawak syang pandesal na may palamang cheese na makapal ang hiwa.
Tumango tango naman ako at lumapit kay Jeremiah. Hinalikan ko sya sa tuktok ng ulo. Kumunot ang noo ko ng mapansing basa ang kanyang buhok at amoy shampoo.
"Niliguan ka na ni Tita Leah baby?" Tanong ko sa anak.
"Hindi po si Tita Leah ang nagligo ta akin mama ti papa po." Ngiting ngiti na sabi ng anak ko.
Nakaawang ang labing tumingin ako kay Atlas. Doon ko lang napansin na bahagyang basa ang harapan ng suot nyang gray na v-neck shirt.
"Ayaw nya magpaligo sa Tita Leah nya gusto sa akin kaya niliguan ko na. Upo ka na sugar, mag almusal ka na." Alok sa akin ni Atlas at pinaghila pa ako ng upuan.
"Kain na po ikaw mama. Dami tayong pagkain. Bumili po ti papa ng pandesal at cheese, saka pancake." Pagbibida ni Jeremiah.
Marami ngang pagkain sa mesa. Bukod sa pangkaraniwang niluluto ni Leah na sinangag, itlog at hotdog, meron pa ngang pandesal na binili pa sa kilalang bakery at malaking box ng cheese na paborito ni Jeremiah. Meron ding pancake pero sunog.
"Sinong nagluto ng pancake?"
"Ah ako sugar, nasunog ko eh." Kakamot kamot sa ulo na sabi ni Atlas.
"Di po malunong luto ti papa mama." Anang anak ko at humagikgik. "Pogi lang ti papa pero di malunong luto."
"Nak naman, pinapahiya mo naman si papa kay mama eh." Protesta ni Atlas na mukhang hiyang hiya.
"Tss, di ka naman talaga marunong magluto. Nilagang itlog lang ang kaya mo." Nginisihan ko sya. Marunong pala syang mahiya.
Bahagya syang sumimangot. "Wag kang mag alala mag aaral na akong magluto."
Inirapan ko na lang sya at umupo na sa bakanteng upuan. Wala ng oras para maginarte pa ako.
"Teka, gusto mo ba ng kape ititimpla kita." Presinta ni Atlas.
"Hindi na ako na." Tumayo ako at kinuha ang mug ko sa tauban ng baso.
"Hindi po nagkakape ti mama papa, milo din niiinom nya." Dinig kong sabi ni Jeremiah.
Nilagyan ko na ng chocolate powder at kaunting asukal ang mug saka ko sinalinan ng mainit na tubig. Bumalik ako sa mesa para kumain na. Nagsandok ako ng sinangag sa plato at naglagay ng hotdog. Nagkamay lang ako sa pagsubo. Napatingin ako kay Atlas. Nagsalubong ang mga mata namin dahil nakatingin din pala sya sa akin.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...