Atlas
NAPANGITI ako ng mabasa ang text ni Jolene. Sinundo na daw ni Leah si Jeremiah sa school at nasa tindahan sila ngayon. Hindi ko masusundo ngayon si Jeremiah dahil nandito ako ngayon sa conference room at may emergency meeting kami ng mga empleyado ko. Namimiss ko na nga agad ang anak ko lalo na ang ina nito.
Kagat labing nireplayan ko ang text ni Jolene. Tila may kung anong insekto ang nagliliparan sa tiyan ko habang nagtatype ako.
Walang pagsidlan ang saya ko ngayong maayos na kami ni Jolene at binigyan nya ako ng isa pang pagkakataon. Hinding hindi ko sasayangin yun. Ito na ang umpisa ng pangarap ko para sa aming tatlo. Bubuuhin ko ang pamilya namin. Sa katunayan ay naghahanap na ako ng bahay na pwede naming lipatan. Gusto ko ay yung magiging komportable ang mag ina ko.
"Sir."
"Ha?" Nag angat ako ng tingin sa sekretarya kong si Rita. Doon ko lang din napansin na nakatingin sa akin ang lahat ng empleyado ko. Ang auditor na nakatayo sa harap at nagsasalita kanina ay kumakamot na ngayon sa ulo.
"Oh I'm sorry. May emergency text lang na dumating." Sabi ko at sinilip ang tinype na text para kay Jolene. Wala pang reply nya.
Pinatay ko muna ang cellphone at hinarap na ang mga empleyado.
"Please proceed."
At nagpatuloy na ang meeting namin. Pinilit ko namang i-focus ang sarili sa meeting.
"Rita ikaw na ang bahalang kumausap kay Mr. Chavez kapag tumawag." Bilin ko kay Rita paglabas namin ng conference room.
"Yes sir."
Nagkaproblema sa shipment na hawak ni Mr. Chavez. Hindi ito dumating on time at hinarang pa sa custom. Magiging malaking kalugian ito kapag nagtagal pa ito sa custom. Baka magsipag atrasan na ang mga kliyente at lumipat sa iba dahil sa tagal na nakabinbin ang mga order nila.
Ngayong may pamilya na ako ay kailangan kong mas alagaan ang kumpanya para sa future ng anak namin ni Jolene at sa magigig mga anak pa namin.
"Pakigawa na rin pala ako ng kape Rita."
"Hindi po kayo manananghalian sir?"
"Mamaya maya na. Pero i-pareserve mo na rin ako ng pagkain sa resto ng kaibigan ko."
"Copy sir."
Tinanguan ko si Rita at pumasok na sa opisina ko. Pero may mga bisita pala ako na hindi ko inaasahan.
"Anong ginagawa nyo rito?" Kunot noong tanong ko sa dalawang kaibigan na galing pang probinsya.
Sabay pang ngumisi si Jeiz at Lorenzo. May laman ang mga ngisi nila.
Tumaas ang isang kilay ko at umupo sa leather chair. Dinukot ko ang cellphone sa loob ng coat at binuhay. Mag a-alas dose pa lang ng tanghali. Wala pang reply si Jolene. Siguro ay busy pa.
Tumingin ako sa dalawa na prente pang mga nakadekwatro sa couch.
Ngumisi ako. "So anong masamang hangin ang nagdala sa inyong dalawa dito sa Manila?"
Himala kasing napadpad ang dalawa dito sa Manila. Nakatira na kasi ang dalawa sa Probinsya ng Kalinaw kasama ang mga asawa nila. Pumupunta lang sila sa Manila kapag may okasyon o kaya emergency. Pero minsan pinapasyal din nila ang mga asawa nila dito.
"May nakarating kasi sa aming balita." Wika ni Jeiz.
Kumunot ang noo ko. "Anong balita?"
"Hindi mo alam?" Nakangising wika ni Lorenzo.
"Magtatanong ba ako kung alam ko."
Nagtinginan ang dalawa at sabay na tumawa.
Tumaas naman ang kilay ko. Para silang mga ewan.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...