Jolene
"I'M so sorry sugar pero di pa ako makakauwi sa sabado. Kailangan pa ako dito sa site. Maraming tauhan ang kailangan ng tulong ko di ko sila pwedeng iwan basta basta na lang. Kailangan ko pang um-attend sa mga unang hearing."
Napakagat labi ako sa sinabi ni Atlas. Di ako nagsalita at pinagmasdan lang ang gwapong mukha nya sa screen ng cellphone. Malaki ang pinagbago ng mukha nya. Bakas ang pagod at kumakapal na din ang balbas at bigote nya.
Dapat ay balik na nya sa sabado dito sa Zambales dahil ang sabi nya ay two weeks lang sya. Pero di matutuloy dahil may nangyaring trahedya sa site nila. Bumagsak ang crane machine sa scaffolding at gumuho ito. Marami sa mga tauhan nila ang naaksidente at may dalawang nasawi kaya hindi sya makakabalik agad dito sa Zambales.
"Sugar wag ka ng magtampo."
Bumuntong hininga ako. "Di ako nagtatampo. Nalulungkot lang ako dahil hindi ka makakabalik agad. Pero mas nalulungkot ako sa sitwasyon mo ngayon lalo na sa mga taong naaksidente."
"Don't worry about me sugar. Kaya ko ang sarili ko. Kapag humupa na ang tensyon at naayos ko ang problema babalik agad ako dyan sa Zambales. Miss na miss na kita."
"Miss na miss na din kita Atlas. Mag iingat ka dyan. Alam kong maayos mo rin ang problema mo dyan. Ikaw pa! Magaling ka eh."
"Thanks sugar. Ikaw lang ang nagpapagaan ng loob ko ngayon. Sana nandito ka sa tabi ko. Basta yung mga bilin ko ha wag mong kakalimutan. Mag iingat lagi dyan lalo na sa pag uwi mo sa gabi."
"Opo."
Nagtagal pa ang pag uusap namin ni Atlas sa video call. Nasa bahay nya sya ngayon at nagpapahinga. Wala pa daw syang tulog mula kahapon. Awang awa tuloy ako sa kanya.
Umabot pa ng isang buwan si Atlas sa Cebu at wala pang kasiguraduhan kung kelan sya babalik ng Zambales. Hindi pa kasi tapos ang problema ng kumpanya nila sa nangyari sa site. Nagpoprotesta ang mga tauhan. May ilang grupo pa nga na gustong ipatigil ang ginagawa nilang construction.
Nagkakausap pa rin kami sa video call at tawag, minsan nagchachat pa kami. Pero hindi na yun kasing dalas gaya noong una. Naging madalang na yun. Minsan sa isang araw isang beses na lang kami naguusap. Minsan wala sa isang araw hanggang dalawang araw. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung ano ano at magtampo. Pero di ko yun pinapahalata sa kanya dahil ayokong idagdag pa nya ako sa iisipin nya. Kapag tumatawag naman sya ay parang hangin na tinatangay ang mga alalahanin at tampo ko. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nya. Minsan lang talaga di ko maiwasang mapraning. Mahal ko sya at natatakot ako na iwan nya.
"Manong sa tabi lang po." Sabi ko sa driver ng traysikel. Inabot ko ang bayad at bumaba na.
Maaga ang labas namin ngayon sa school kaya maaga akong nakauwi. Pero di naman ako magtatagal sa bahay. Maliligo lang ako at magbibihis at didiretso na ng bar.
Di na ako pinapakialaman ni Tita Emie at Tito Rene. Pero panay naman ang parinig nila. Hinahayaan ko na lang sila at di na pinapansin. Maistress lang ako sa kanila.
Paglapit ko sa bahay ay napansin kong parang maingay. Mga nagtatawanan ang mga tao sa loob.
Ano kayang meron? Baka may bisita si Tita Emie.
Umakyat na ako sa terrace namin at pumasok sa pinto. Natuon ang mata ko sa babaeng halos tatlong taon kong di nayayakap.
"Mama." Tawag ko kay mama at malalaki ang hakbang na lumapit at yumakap sa kanya.
Natahimik naman sila Tita Emie at nakatingin lang sa amin.
Niyakap naman ako ni mama. Naiiyak ako dahil sobra ko syang namiss. Kahit may pagtatalo kami minsan dahil sa mga sumbong ni Tita Emie ay hindi nabawasan ang pagkamiss ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...