Jolene
NAPAG USAPAN na namin ni Atlas ang tungkol sa pagpapakilala nya sa amin ni Jeremiah sa mommy at kapatid nya. Kinakabahan man ay pumayag na ko. At bahala na sa magiging reaksyon ng mommy at kapatid nya. Maging handa na lang ako. Naiisip ko rin kasi ang kanyang kalagayan. Alam kong gustong gusto na nya kaming ipakilala sa pamilya nya. Hindi na sya umuuwi sa kanila at ang mommy at kapatid nya ay madalas tumatawag sa kanya para mangamusta.
Dalawang buwan mahigit na naming nakakasama si Atlas. Araw araw namin syang nakikita at nakakasama ni Jeremiah. Sanay na kami ng anak nya sa presensya nya. Lalo na si Jeremiah na ilang minuto pa lang syang di nakikita ay hinahanap na sya.
Sa linggo ang napagkasunduan naming pagpunta sa bahay nila para makilala namin ng anak nya ang mommy nya. Si Ava ay kilala na namin ni Jeremiah. Pero sa linggo ay magpapakilala kami sa kanya bilang mag ina ng kuya nya. Ngayon pa lang ay abot abot na ang kaba ko at takot sa magiging reaksyon ni Ava.
"Sugar."
Nilingon ko si Atlas mula sa pagliligpit ng mga nilabhang damit dito sa sala.
"O bakit? Nasaan si Jeremiah?"
"Nasa labas pa may kalarong mga bata." Aniya at umupo sa tabi ko.
Pumasok sya kanina sa opisina at maaga lang umuwi. Sinundo nya si Jeremiah kay Leah sa tindahan. Pagkatapos ay sinundo naman nila akong mag ama sa planta kaninang uwian.
Napansin ko ang pawis sa noo at leeg nya. Nakipaglaro din kasi sya sa anak.
Inabot ko ang nakatuping bimpo at pinunasan ang pawis sa kanyang noo at leeg. Titig na titig naman sya sa akin at nangingiti.
"Sarap naman mag alaga ni mama." Nakangising sabi nya.
Nagiinit ang pisnging ngumuso ako at madiin na kinuskos ng bimpo ang kanyang mukha. Tumawa lang sya at hinawakan ang kamay kong may hawak na bimpo.
"Baka mabura na ang mukha ko nyan sugar."
"Hindi yan, makapal ang mukha mo eh." Birong sabi ko. Pero totoo namang makapal ang mukha nya. Pero salamat din sa kapal ng kanyang mukha dahil magkakasama na kami ngayon.
Unti unting nawala ang ngisi nya at matiim akong tiningnan. Hawak pa rin nya ang kamay ko.
"Napansin ko kanina parang ang lalim ng iniisip mo." Wika nya.
Bumuntong hininga ako at binawi na ang kamay na hawak nya. Tinuloy ko na ang pagtutupi ng mga damit ni Jeremiah.
"Iniisip ko lang yung sa linggo. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mommy at ng kapatid mo."
Hinakawan nya ulit ang kamay ko at pinisil pisil. "Mabait si mommy at si Ava. Wala kang dapat alalahanin sa kanila Jolene. Si mommy maunawain yun at sigurado akong matatanggap ka nila lalo na si Jeremiah na unang apo nya. Alam mo bang matagal na syang nanghihingi sa akin ng apo dahil matanda na raw ako. Baka nga magpapyesta pa yun sa buong subdivision kapag nalamang may apo na sya."
Sana ganun nga. Natatakot kasi akong maranasan ulit ng anak ko ang rejection. Naranasan na nya iyon sa mama ko noong pinagbubuntis ko pa sya. Sana ay iba talaga ang mommy ni Atlas.
Ngumuso ako. "Matagal na palang gusto ng mommy mo na magkaapo sayo buti di mo sya nabigyan sa ibang babae." Turan ko. Pero naiisip ko pa lang na may iba syang anak sa ibang babae parang ang sarap nyang ibaon sa lupa ng nakatiwarik.
Ngumisi sya. "Maingat ako sugar. Hindi ako basta basta nakikipagtalik sa babae."
Parang sumama ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Hinablot ko ang kamay na hawak nya at matalim syang inirapan. Naalala ko na naman yung babaeng sumagot ng tawag ko noon at sinabing fiancee nya ito at ang babaeng kasama nya sa mall ng muli ko syang makita. Sa limang taon na hindi kami nagkasama malamang kung sino sinong babae ang kasama nya samantalang ako nagpapakahirap sa pagaalaga sa anak namin.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...