Jolene
NAKANGITI ako habang panay ang click sa camera ng cellphone. Ang sarap kasi kuhanan ng pictures ng mag ama na masayang naglalaro sa malawak na damuhan dito sa park. Ang sarap pa sa tenga ng malulutong at buhay na buhay nilang tawa.
Maraming tao sa park dahil linggo ngayon. Pasyalan talaga ito ng mga tao at tambayan, pwede ring magpicnic dito. May mag kasintahan na namamasyal pero mas marami ang magpamilya. Maganda naman kasi ang park. Maraming puno at halaman hindi pa mainit. May mga palaruan din para sa mga bata. Lagi kong pinapasyal dito si Jeremiah kahit kaming dalawa lang. Masaya naman sya pero iba nga lang ang saya nya ngayon, parang triple pa dahil kasama na nya ang ama nya.
Bumuntong hininga ako. Malaki ang naging galit ko kay Atlas noong inabandona nya ako. At wala sa isip ko na darating ang araw na ito na magkakasama kami at makakabonding nya ang anak namin. Nakaprogram na kasi sa isip ko na kaming dalawa lang ni Jeremiah ang magkasama hanggang sa pagtanda ko. Palalakihin ko lang sya ng mag isa at walang kinikilalang ama. Tapos isang gabi biglang sumulpot ang ama nya at nagbago na ang lahat sa buhay namin.
"Pahinga muna tayo anak, napagod ako." Hingal na sabi ni Atlas at umupo sa bench. Dinampot nya ang bote ng mineral water at ininom.
Si Jeremiah naman ay may energy pa kahit pawisan na. Kinuha ko ang bimpo sa shoulder bag at pinunasan ang pawis nya sa mukha, leeg at likod.
"Grabe ang bilis tumakbo niyang anak natin sugar. Pinaglihi mo ba yan kay Usain Bolt?" Wika ni Atlas.
Ngumisi ako. "Ang sabihin mo matanda ka na. Mahina na ang tuhod mo."
Eleven years ang tanda nya sa akin. Twenty four na ako ngayon sya naman ay thirty five na malapit na rin syang magthirty six.
Umawang ang labi ni Atlas pero agad din syang ngumisi. "Matanda pala at mahina ang tuhod ha. Kayang kaya ko pang umisang dosena sugar. Gusto mong subukan?"
Nagets ko ang ibig nyang sabihin kaya nag init ang mukha ko.
"Heh! Isang dosenang sapak gusto mo? Akala mo ang dali daling manganak? Ang hirap manganak no lalo na kapag mag isa ka lang." Singhal ko sa kanya.
Anong akala nya sa akin parang pusa manganak. Eh pagkatapos ko ngang ipanganak noon si Jeremiah nawalan ako ng malay eh. Mabuti na lang nandyan si Leah.
Natahimik naman sya at nabura ang ngisi sa labi. Bumuntong hininga sya.
"Pangako sugar kapag nanganak ka ulit nasa tabi mo na ko. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan." Sambit nya.
Naumid naman ang dila ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya.
"Buntis po ikaw mama? Magkakaroon na po ako ng kapatid?" Biglang sabat ni Jeremiah na namimilog pa ang mata.
Sabay na umawang ang labi namin ni Atlas at tumingin sa anak na bakas ang excitement sa mukha.
Tumikhim ako. "Hindi anak. Hindi buntis si mama."
Ngumuso si Jeremiah. "Ay, akala ko magkakaroon na ako ng kapatid."
Tumawa si Atlas at pinalapit nya sa kanya si Jeremiah. Lumapit naman ang anak.
"Magkakaroon ka rin ng kapatid pero hindi pa ngayon -- aw!" Daing ni Atlas ng batukan ko sya. Hihimas himas sa ulong tumingin sya sa akin.
Pinandilatan ko naman sya ng mata. Kung ano ano ang sinasabi sa anak kaya kung ano ano rin ang hinihingi eh. Pero ang hudyo tinawanan lang ako at may binulong sa anak. Ngiting ngiti naman si Jeremiah na tumatango tango pa.
"Ano na naman yang binubulong mo sa anak mo? Baka puro kalokohan yan ha." Sita ko kay Atlas.
"Hindi ah! Pero secret na namin yun ni baby." Nakangising turan ni Atlas.
BINABASA MO ANG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go
General FictionLimang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hang...