Karina Ace Wu
"Ace, laro!"
I sighed upon hearing the loud voice of my classmate. Sino pa nga ba? Jared, the Great. I decided to just ignore him. Wala na akong energy to deal with him right now.
"Awit, gan'yanan. Okay, e 'di 'wag mo akong pansinin," sabi naman nito saka umupo sa tabi ko. Parang babae, ampota.
"Red, pagod ako. Go bother someone else," I told him. Dumukmo na rin ako sa mesa ko para umidlip saglit.
I roamed around the school this whole morning. Naghahanap kasi kami ng candidates for Grade 11 Representative. Ngayong hapon naman, I still have a class. May P.E. rin mamaya kaya kailangan ko talaga ng pahinga.
"Grabe, istorbo lang ba ako para sa 'yo?" Jared dramatically said.
"What the fuck?" Umupo ako nang maayos at pinag-taasan siya ng kilay. "Gusto mong bigwasan kita ngayon?"
"Joke lang!" Depensa naman nito agad.
"Tantanan mo muna ako, pakiusap. Mamaya na tayo maglaro," I said as if I am speaking to my younger brother.
"Oo na. Ikaw naman kasi, first week pa lang ng pasukan, palong palo ka na sa mga trabaho mo," sabi nito na tila nanenermon.
"If I only have a choice, hindi ko naman 'to gagawin." Napairap na lang ako.
"SSG pa more." Pang-aasar nito na hindi ko na lang pinansin.
Totoo naman kasi. Kung hindi ako nagpapampam na tumakbo bilang President ng SSG last year, e 'di sana masaya ang buhay ko ngayon.
Jared left me for a moment kaya nakaidlip ako. Ginising niya lang ako nang dumating ang teacher. The class went on and I tried my best to understand everything that the teacher said even though my mind is floating right now.
After the classes, Jared and I decided to call our other friends to come with us to eat outside. Halos araw-araw kaming lumalabas para kumain. Minsan nga, napapaisip ako kung apo ba kami ni Henry Sy, e. Paano'y palagi na lang kaming gumagastos. Parang naglalaro na lang kami ng paunahan makaubos ng allowance.
"Feeling ko kakakuha mo lang ng allowance," Bry told me. "Daming order ampota." Reklamo pa nito sa 'kin. Siya kasi ang o-order kaya sa kaniya kami nagsasabi kung anong gusto naming kainin.
"Tanga, ubos na nga laman ng wallet ko, e. Gutom lang ako kaya gusto kong kumain nang marami," sagot ko. Sino ba namang hindi gugutumin? Ang daming ginawa ngayong araw, feeling ko deserve ko naman 'to.
"Kapal ng pagmumukha mo magreklamo, buburautin mo rin naman ako." Dagdag ko pa.
"Sabi ko nga, dapat hindi na ako umangal," pabulong niyang sabi.
After that, he left us to order. I was left with my two other friends—Jared and Gab. Gabrielle is silent the whole time, lutang kasi. I think she didn't get enough sleep again. Hindi pa 'yan puyat sa schoolworks, nakipag-laro lang kay Jared. Mga bobo kasi, magg-grind kapag gabi hanggang madaling araw.
"Gab, ano, kaya pa?" Jared asked her in a teasing tone.
"Ulol," she shortly responded.
"Laro na!" Aya ulit ni Jared.
Hindi na ako tumanggi, larong laro na rin ako, e. "Invite, Red."
"Bakit ka pala nawala sa laro kagabi, Ace? Sayang, win streak pa naman," Gab asked without glancing at me. Her eyes were focused on her phone, accepting Red's invite.
"Distracted, e." Napakamot na lang ako sa batok nang maalala ang nangyari kagabi. "Mas dinig ko pa iyak sa kabilang unit kesa footsteps ng kalaban," I explained.

YOU ARE READING
Uncertain Something
Novela JuvenilWhen choices get tough, would you still choose me?