Karina Ace Wu
"Wow, good mood today," puna kaagad ng teammate ko. "Himala't hindi ka late," dagdag pa nito. Kakarating ko lang sa gym at medyo napaaga kaya hihintayin pa namin ang iba. E sa maaga akong nagising ngayon, e. Saka maaga rin kasi ang training, 8AM kasi kami binigyan ng time para gumamit ng gymnasium.
"Talagang good mood 'yang si Ace. Ikaw ba naman ayain ng crush mo mag-dinner sa place niya," sabi naman ni Kier.
"Landi."
"Mga inggit," sambit ko.
The coach came a few minutes after that, so the training started. Again, we trained for hours and it went well, of course. Our team has been playing for years so we already mastered teamwork. May bagong teammates kami from STEM 11 at magagaling din silang dalawa kaya naman hindi na kami nahirapan. I'm envisioning victory for my team on sports fest.
We have the whole afternoon after the training so I made sure I will attend my classes. Kasagsagan na kasi ng summative tests dahil exam na next week.
"Nag-test na ba kayo sa chem? Test namin mamaya, e. Naiiyak na ako," sabi ni Kier habang naglalakad kami patungo sa building namin.
I shook my head. "Mamaya pa lang."
"Walang kaba, ah?" natatawang sambit nito. "Tangina, pahingi muna ako ng tatlong braincells mo."
"Sa 'kin pa manghihingi, hindi na nga 'to sapat para sa sarili ko," tugon ko naman.
"Favorite mong laro 'yan, 'no? Bobo-bobohan," sabi niya saka ako biglang niyakap... sa leeg nga lang.
"Aray! Sir, oh!" angal ko, nagtawag na naman ako ng teacher na napadaan lang. Saktong discipline coordinator pa iyong natawag ko. Pati tuloy ako ay kinabahan dahil baka madamay ako.
"Pst!" Sumitsit naman si Sir kaya binitiwan ako ni Kier. "Tsk tsk tsk."
Nang tumalikod si Sir ay nagpigil naman ako ng tawa habang kinukurot ni Kier ang tagiliran ko.
"Daya mo, palagi kang nagsusumbong," pabulong nitong sabi.
Tinawanan ko na lang siya. Tumungo na kami sa kanya-kanyang silid-aralan kaya hindi ko na siya nakita pa pagkatapos no'n.
"Hi, par. Na-miss mo ba ako?" Bungad ni Jared pagkapasok ko pa lang sa klase.
"Asa," maikli kong sagot.
Umupo na rin ako sa tabi niya dahil baka biglang dumating ang guro. Strict pa naman 'yong teacher sa first subject namin ngayon. English majors nga naman. Joke. Mabait naman siya, mahigpit lang talaga sa rules.
Kasunod ng schedule namin sa EAPP ay MIL naman. S'yempre mas nakinig ako sa MIL, crush ko kasi si Ma'am.
Habang abala ako sa pakikinig sa klase, itong katabi ko naman ay lumulutang na ang isip. Siguro break time na ang nasa isip niya. Dalawang subject na lang kasi, break na.
Mukhang nagd-daydream pa nga siya. Not until nag-flash si Ma'am ng roleta.
"Uy, ano 'yan, gagi?" bulong ni Jared. Bakas ang kaba sa boses niya.
"Graded recitation. Nagsabi siya kahapon, ah? Hindi ka nag-review?" I replied.
"Ni hindi nga ako nakikinig, review pa kaya," sagot niya naman.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Iniabot ko ang notebook ko sa kanya para makapag-review siya kahit sandali. Kaso isang minuto pa lang yata ay ipinatago na ng guro ang mga notebooks namin.
He somehow made it through the recitation, though. He got it wrong at first, pero may second try pa naman at nasagot niya na ng tama.
"Nag-mekus mekus sa utak ko 'yung stock knowledge," bulong nito pagkatapos sumagot. Mekus mekus?
YOU ARE READING
Uncertain Something
Novela JuvenilWhen choices get tough, would you still choose me?