I woke up in the sound of my damn alarm. Feeling ko masyado pang maaga para tumunog iyon.
Inis kong kinapa ang cellphone ko kahit nakapikit pa ako. I opened it and snoozed my alarm. Natigilan lang ako nang makita ang oras sa phone ko. Late na.
"Gago talaga-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumawag naman si Zen, vice president ng student council.
[Hello, Pres? Matagal ka pa?]
Napapikit ako. "I think so. I'll update na lang."
[Kakagising mo lang, 'no? Antok pa boses mo.]
"Mhmm..." Tumango pa ako na parang nakikita niya ako.
[Collect na namin requirements or wait ka namin?]
We're supposed to collect the requirements from the applicants for Grade 11 Representatives today. Aayusin pa kasi namin to see if may kailangan kaming alisin agad or idederetso na sila sa screening and evaluation.
"Collect niyo na. Habol ako," I answered. "Thank you, Zen."
[Welcome, Pres! Lakas mo sa 'kin, e!]
"Una na 'ko. Gago, late na ako," natatawang sabi ko saka pinatay ang tawag. Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil baka lalong humaba ang usapan, ma-late pa ako lalo.
I took a quick bath and got dressed. Kinuha ko na rin ang bag kong wala naman talaga masyadong laman. Just my notebook and pens. Hindi ko nga alam kung may yellow pad pa ako.
I took my keys. Magc-commute na lang sana ako ngayon dahil hassle mag-park sa campus, kaso late na ako kaya I decided to ride my motorcycle instead. Tamang ingat lang dahil wala naman akong license. Hindi naman siguro ako mahuhuli, hehe.
Buti na lang at may nahanap pa akong maayos na parking space sa loob ng campus. Nagmamadali na akong nag-tap ng ID at dumiretso sa office namin.
"Nand'yan na si Pres," Haley, our secretary, said. Kinalabit pa nito si Zen na busy sa pag-aayos ng papers.
"Musta?" I asked and sat on one of the vacant chairs.
"Apat lang applicants," Zen answered and gave me the envelopes.
"Hayaan na. Isa lang naman kailangan natin," sabi ko na lang.
I opened the envelopes one by one. Mukhang maayos naman lahat. I think we should just hand them to our school's comelec para sila na ang mag-asikaso. We have to get them ready for campaign before the election starts.
"U-Uhm... Excuse me," someone knocked and opened the door. "Magpapasa lang po ng requirements. Sorry po, am I late na po ba?"
I looked at my back and saw a girl. She looks neat. Hindi ko alam kung paanong mukha pa rin siyang fresh despite the fact na sobrang init ngayong araw. Long sleeves pa naman ang uniform namin tapos may vest pa. I mean, yes, we do have aircons in our classrooms pero ang init init sa labas.
"Pasok ka." Inilahad ko na lang ang kamay ko para iabot niya sa 'kin ang requirements niya.
"Thank you po," she politely said before leaving.
I just smiled at her. Nang makaalis siya ay saka ko lang binuksan ang envelope na ibinigay niya. Kumpleto naman ang requirements niya.
"Type ni Pres 'yon," sabi ni Haley na agad kong ikinalingon.
"Pinagsasabi mo r'yan?" natatawang tanong ko.
"Iyon, 'yong babae kanina. Gano'n type mo, 'di ba? Feminine na mabango, hygienic, maganda, malinis tingnan-"