09.

18 3 0
                                    

Sinclair Jade Navarette

"Nakita mo si Ace?" Klea asked when I got back to our table. "Pumunta raw sa restroom, e."

Tumango na lang ako. Hindi ko nga lang siya basta bastang nakita o nasalubong sa restroom, e. We talked. And she apologized to me—which I just agreed on. Ayo'ko na ng mahabang usapan. Tutal may point naman siya. Naisip ko na rin naman na dapat patawarin ko na siya kesa mag-tanim ng sama ng loob sa kaniya dahil ika nga niya, wala akong choice kun'di makita siya araw araw. At kung hindi ko siya papatawarin, maba-badtrip lang din ako sa kaniya araw araw. Which is not good for me.

Nag-promise din naman siya na hindi niya sasabihin sa iba kung anong nabasa niya dahil nakalimutan niya naman na. Sana lang nagsasabi siya ng totoo.

"Hindi ka na mukhang badtrip," mahinang sabi ni Gabi.

"Mukha ba akong badtrip kanina?" Pagmamaang-maangan ko.

Klea laughed. "Kung alam mo lang kung gaano ka-obvious 'yang mukha mo kapag nakikita si Ace. We can easily read your expressions."

"Uy, bakit naririnig ko pangalan ko r'yan? Bina-backstab niyo na naman ako, ah." Ace came back and sat beside me.

"Kasing-pangit mo kasi ugali mo, e." Pang-aasar ko naman.

She held her chest, acting offended. "Excuse me?" she said and raised her brow.

"You're excused." I smirked.

"Wow, parang mga bata," natatawang puna ni Gabi.

"Shh, stop bickering already," saway ni Klea sa amin. Tinapik pa niya si Gabi dahil tila gustong makisali pa sa amin.

Saktong dumating na ang mga pagkain namin kaya naibaling doon ang atensyon naming apat. Malapit sa akin ang mga inilapag na pagkain kaya ako na ang nag-abot sa kanila ng plates nila.

"Oh, shit. Sorry," I said when I accidentally shove the cutlery and it fell from the table. Fucking clumsiness. "Let me get it." Yumuko ako para kuhain ang mga nalaglag na kutsara at tinidor dahil nahihiya akong abalahin ang waitress na nags-serve ng pagkain namin.

The waitress ended up helping me, though. I kept saying sorry because I felt embarrassed for doing that. I can also feel the gazes from the other people. Nakuha ko yata ang atensyon nila dahil sa kalansing ng mga kubyertos. I swear, hindi ko naman sinasadya but it still feels embarrassing.

"Okay na po, ma'am. Ako na po," the waitress said and assured me that it's fine. "Kukuha na lang po ako ng bago." Then she excused herself.

Naupo ako nang maayos at saka ko nakitang nakatingin pa rin ang ibang mga tao. May isa pa ngang naiiling. I also noticed Ace's hand covering the corner of the table, para siguro hindi ako mauntog doon. As much as I wanted to thank her, words cannot come out of my mouth as the anxiety is slowly kicking in.

I hate that I still feel the eyes of other people looking at me. Tila mayroong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makaimik at makahinga nang maayos.

I stood up without excusing myself. Just leave the area, Clair.

Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko kaya nagmadali akong pumunta sa restroom. Nakakahiya. I shouldn't have done that. Dapat kasi hindi na ako nakialam.

"Clair..." I heard Klea's voice. She must've noticed my anxiety. She followed me to the restroom and hugged me, caressing my back. "It's okay."

"Everybody's looking." I tried to speak. I can't help but shiver. "I'm sorry. I didn't mean it."

"It's okay, Clair. They're gonna get over it," she said and tried to comfort me.

She stayed a few more minutes with me until I calmed down. I helped myself too. Nakakahiya naman kasing paghintayin sina Ace at Gabi. They aren't used to see me like this.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now