16.

20 3 0
                                        

Karina Ace Wu

"Yes!"

The class was interrupted by Jared's loud expression of satisfaction. He was looking at his phone and he seemed so happy about what he saw.

"Anong nakakatuwa?" the teacher asked, raising her brows. I'm pretty sure she felt disrespected by Red's action. Ikaw ba naman ang magturo sa harapan habang may kolokoy kang estudyanteng pa-cellphone cellphone lang sa klase.

"Ay, sorry po, ma'am," nakatungong sabi ni Jared habang kumakamot sa batok. "Ma'am, suspended po."

Napatingin ako sa bintana, it's still raining so hard. I don't get why they suspended the class just now, kung kailan nasa school na kami. Simula kaninang umaga pa ay wala nang hinto ang ulan kaya pahirapan kaming pumasok ngayon, tapos isu-suspend ang klase. Hassle na naman nito umuwi.

The teacher didn't answer him. Instead, inutusan ako nito para i-verify sa Principal kung suspended na ba talaga.

I just did what she said. Besides, gusto ko na rin namang tumakas sa klase niya. Fuck physics.

I knocked before entering the Principal's office. I asked him if it's true that classes are suspended. He answered yes but before I could celebrate in my mind, he said that we aren't allowed to go home yet. The school gates would only open after our break time so that the prepared food at the cafeteria would still be consumed.

"Thank you, Sir," I said before leaving his office.

I went back to my class and announced the Principal's decision. My classmates celebrated shamelessly in front of the teacher. Grabe, pinapahalata nila masyado na ayaw nila sa physics class.

I also messaged the student council about it so Rhian can post it on our page already.

"Billiards," pasimpleng sabi ni Jared nang makalabas ang teacher.

"Inamo, bumabagyo na nga, bilyaran pa rin nasa isip mo," puna ko naman.

Ibinaling ko na lang muli ang atensyon ko sa cellphone nang tumunog ito dahil may chat pala si Jade.

Clair Navarette
aceee
suspended

Me
Alam ko😏

Clair Navarette
ok👍🏻
ingat pauwi, tanga ka pa naman

Me
Wow ha, salamat sa concern

"Rupok mo rin, 'no?" saad ni Red na nakasilip din pala sa phone ko at nakikiusyoso sa usapan namin ni Jade.

It's been a week since I talked to Jade again. Tanggap ko naman na kasing si Bry talaga 'yung mas may chance sa kaniya. There's still a little hope for me, though. Pero hindi ko na iyon pinapansin dahil mas mabuting makuntento ako sa friendship namin ni Jade. Kaya nga until now, hindi ko sinasabi sa kaniya na gusto ko siya. Hinahayaan ko na lang na mawala ang feelings ko, tutal nasa acceptance stage na ako, e.

"Si bro ay naiinggit," panunukso ko sa kaniya. Paano kasi, hindi pa rin sila nakakapag-usap nang maayos ni Gab. Nagkakaroon lang sila ng interaction kapag kasama kami.

"Ulol," sabi niya na lang dahil mukhang wala na siyang maisip na sasabihin.

"Hello, mga kumag!" Bati ng isang kumag din, si Gab. Nakikipasok na naman sa classroom namin. "Bakit ang bagal niyo lumabas? Kanina pa suspended, ah?"

"Bawal pa lumabas, bobo," sagot naman ni Red. "Ano pang silbi ng cellphone mo kung hindi ka nagbabasa ng announcements ng school?"

"Dead bat," sabi ni Gab saka ipinakita ang phone niyang hindi bumubukas.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now