18.

18 2 0
                                        

Klea de Dios

"How did you know you like Gabi?"

I was surprised with Clair's sudden question. Kanina lang ay abala kaming nagtatawanan dahil sa pinapanuod namin tapos randomly magtatanong siya ng gan'yan. When did she even become curious about me and Gabi?

"Why are you asking?" I asked while thinking for an answer.

Nagkibit-balikat naman siya. "I just want to know."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Buong buhay ba niya, ni hindi niya man lang naranasan magkaroon ng crush? Sabagay, the whole duration of our friendship, wala naman akong maalala na nag-k'wento siya sa akin about her crush.

"Alam mo kasi, Clair... Minsan hindi mo kaagad malalaman kung gusto mo ang isang tao. Minsan nga parang wala kang maisip na rason kung bakit, e. Basta kusa mo na lang siyang mararamdaman," I answered based on what I actually experienced.

She nodded yet she doesn't look satisfied enough.

"Do you think you like someone?" I asked her. Baka naman kasi may nararamdaman na siya kaya niya tinatanong sa 'kin to confirm.

"I... I don't know. My brain knows that I'm not supposed to like them but I can't turn them down for some reason," she answered. Mukha ngang gulong gulo siya. Kahit ako, naguluhan, e.

"Bakit ba? What's holding you back? Awa ba 'yan? O ayaw mo lang mawalan ng kaibigan?" tanong ko ulit. Ganiyan naman kasi siya, e. Kaya nga ayaw niyang may nagc-confess na kaibigan sa kaniya dahil she won't reject them directly for the sake of their friendship.

Muli, nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam kung iyon lang ba."

The side of my lips rose. "It confuses you this time, huh... Hindi ka naman ganiyan sa mga dating nag-confess sa 'yo." Panunukso ko.

"Yeah... And this feels inappropriate," sabi niya saka napahilamos sa mukha. She seemed really stressed about it. Mukhang iniisip niya talagang mabuti kung anong nararamdaman niya.

"What if you're finally experiencing something romantic?" tanong ko upang lalo pa siyang tuksuhin. "Pero teka nga, sino ba kasi 'yan?"

She looked at me with hesitation in her eyes. Huminga pa nga siya ng malalim. Magsasalita na sana siya pero may papansin namang tumawag sa kaniya.

"Yes, Ma?" she said upon answering the call.

Si Tita pala, hehe...

Sayang, malapit na kami sa exciting part, e!

Hinayaan ko na lang muna siyang kausapin ang nanay niya. Bumalik na ako sa panunuod ng movies na na-pause namin dahil inuna naming magdaldalan.

Several minutes later, she ended the call. Ngayong p'wede na kaming mag-usap ulit, nakalimutan ko naman kung anong itatanong ko sa kaniya. Iyon tuloy, wala na akong matanong.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kaniya. Ang tagal niya kasing mag-initiate ng conversation.

"Bakit ang tahimik mo rin?" tanong niya pabalik.

"Nakalimutan ko 'yong sasabihin ko, e," natatawang sagot ko.

"E 'di manahimik na lang tayo," she replied. 'Yan, gan'yan 'yan siya. Ubos na social battery niya.

Tumango na lang ako. Masaya rin namang manahimik. Comfortable silence kasi ang namumuo sa amin at hindi awkward silence gaya ng ibang tao kapag tahimik lang sila. Siguro ay dahil sanay na akong maisama sa introvert. Ewan ko ba.

"Ay, naal- ay..."

Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansing nakatulog na pala siya sa balikat ko. Kung kailan naalala ko na kung anong itatanong ko.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now