"Ang tagal mo, ah. Tumae ka ba?"
Klea laughed at herself after saying that. Hindi ko na lang iyon pinansin at umupo na sa harapan niya. The foods were already served so we started eating already.
"Oh my gosh..."
Napaangat ang tingin ko kay Klea nang bigla itong nagsalita. She's looking at something- oh, someone. Lumingon din tuloy ako. Only to find out that she's looking at Ace's direction. Hindi ko alam kung si Ace ba ang tinitingnan niya o iyong mga kasama ni Ace na tropa. Mga maiingay niyang tropa.
"Ano mayro'n?" I asked out of confusion.
"Naaalala mo pa 'yong girl na kinu-k'wento ko before? Si Gabi?" sabi niya. I tried to recall all of the girls na ikinuwento niya sa 'kin pero hindi ko maalala kung sino si Gabi. "Duh, the drummer."
My mouth opened upon realization. "Ah... Your favorite among the seven crushes," natatawang sabi ko.
Klea is a bisexual so she have a lot of crushes talaga. Paano kasi, kung may pogi, crush niya na, kung may maganda, crush niya rin. Pero baliw na baliw iyon kay Gabi. Palagi niya kasing pinapanuod kapag tumutugtog sila sa school events. Pareho rin sila ng grade level kaya lagi niyang nakikita sa campus si Gabi. Dinadaldal niya pa nga sa 'kin ang mga delusion niya sa tuwing may small interactions silang dalawa.
"Ayon siya oh," she said and pointed Gabi using her lips.
Muli kong nilingon ang table nila Ace at nakita si Gabi. Naalala ko na kung bakit familiar siya no'ng nakita ko siya sa unit ni Ace.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-kain habang si Klea naman, pasulyap-sulyap sa crush niya.
"Kumain ka nga nang maayos," natatawang saway ko sa kaniya.
"Gusto ko siya i-approach," she said and took a sip of her drink. Her eyes are still pierced on Gab.
"Go, pokpok," pabulong kong sabi saka mapang-asar siyang nginisian. Alam ko naman kasing mahina ang loob niya sa ganito. Nasanay siya na siya ang ina-approach ng mga nagkakagusto sa kaniya. Kaya nga rin hindi pa niya nasasabi kay Gabi na may gusto siya roon dahil nahihiya siya, e. Isang taon niya na kayang ina-admire from afar si Gabi.
"Bukas na lang," sabi nito na ikinatawa ko. Sabi ko na nga ba, panghihinaan ng loob 'to, e.
After eating, we decided to leave. Nauna pa nga kaming matapos kesa kila Ace. Napadaan pa tuloy kami sa table nila. Ito namang si Klea, kinawayan pa si Gabi at binati. Feeling close talaga. Nginitian din siya ni Gabi. Nagmamadaling lumabas si Klea dahil alam kong hindi niya na maitago ang kilig dahil sa interaction na 'yon.
"Kita mo 'yon? Tangina, ang pogi!" Bulong nito nang makalabas kami. Her whole face turned red already.
Siniko ko naman siya. "Kumalma ka! Para kang sira." Saway ko.
She rolled her eyes. "Che! Palibhasa hindi ka maka-relate!"
'Yan na naman siya. Palaging pinapaalala sa 'kin na walang thrill ang love life ko dahil ni isa ay wala akong crush, maliban sa kpop idols. It's not my fault that guys who like me don't fit in my standards!
Kasi naman, sa tuwing may magkakagusto sa 'kin, either not academically competent, pangit pumorma, puno ng red flags, jejemon, babaero, o kaya nama'y nerdy. Not my type of guys, honestly. Hindi ko rin alam exactly kung anong type ko. Pero sa buong buhay ko, wala pa akong natipuhan.
"Try girls kaya, Clair? Malay mo-"
"You know I don't swing that way, Klei." I cut her off. Ally naman ako pero hindi ko pa talaga makita ang sarili kong nagkakagusto sa kapwa babae. Just not my thing.

YOU ARE READING
Uncertain Something
Ficção AdolescenteWhen choices get tough, would you still choose me?