17.

19 2 0
                                        

Karina Ace Wu

"Ah... Fuck."

I massaged my temple as I stood up from my bed. Naparami yata kami ng inom kahapon at nagkaroon ako ng hangover. I can't remember much from yesterday. Kung may maaalala man ako ay pira-piraso lang, hindi ko maalala ang buong nangyari.

Ang natatandaan ko lang ay na-suspend ang klase kaya nag-inuman kami kina Bry. Tapos kumain kami, naglaro, nagbardagulan, tapos biglang may tumawag kay Gab. Iyon na lang ang malinaw na naalala ko. Ang iba naman ay kapiraso ng memorya na sumakay ako sa Grab pero hindi ko maalala kung paano ako nag-book, pumasok ako sa unit pero hindi akin-

At wala na akong maalala.

Nabaling sa cellphone ang atensyon ko nang makatanggap ako ng tawag. Mula iyon sa GC namin, tumatawag si Bry.

I answered it and saw Jared, Bry, and Gab, who already joined the video call. From their cameras, I can see how they are all looking like they just woke up, just like me.

[Sup, mga mahihinang nilalang?] Bungad na panunukso ni Bry.

"Sama ng umaga ko, boses mo una kong narinig," sabi ko naman para tuksuhin siya pabalik.

[Ulol, may utang kayong chismis ni Gab. Akala niyo nakalimutan ko na, ah.] Sabat naman ni Jared.

"Anong chismis?" My brows furrowed. Wala naman akong maalala.

[Kagabi... Tanga ka, limot mo na ba kung anong ginawa mo?]

Lalo lang nalukot ang mukha ko sa sinabing iyon ni Gab.

"Mukha ba akong may naaalala? Mga tarantado. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito," sagot ko.

Bry suddenly looked disappointed. [Alalahanin mo 'yan. Paano mo kami chichismisan kung wala kang maalala?]

[Ito si Bry, kalalaking tao, chismoso.] Puna ni Jared.

[Feeling malinis ka na naman.]

"Ano bang nangyari kagabi?" I asked. Baka kasi may katarantaduhan akong ginawa pero hindi ko lang maalala.

[Ewan namin sa 'yo. Tumawag lang si Clair kay Gab tapos after that, nagpaalam ka nang uuwi. Ayaw mo pa ngang magpahatid kasi kamo lasing tayong lahat, kaya nag-Grab ka na lang. Naisip ko nga, baka hindi ka na masaya sa 'min kaya uwing uwi ka, e.] Jared explained.

A thought came into my mind. Hindi pa iyon buo pero mukhang alam ko na kung anong ginawa ko.

[Alam ko na kung bakit umuwi si Ace. Nab-bwisit na siguro siya sa 'yo, Red.] Panunukso ni Gab.

"I'll think about it, guys," I said before hanging up the call.

Ibinagsak kong muli ang katawan sa kama. I remembered it.

Gusto kong umuwi pero hindi ako dumiretso sa unit ko dahil si Jade ang gusto kong uwian.

And if I'm not mistaken, I confessed to her last night. I cried to her.

What am I gonna do if Bry finds out that I like the same girl he likes?

Fuck it.

I messed up.

Natulala na lang tuloy ako sa kakaisip. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nangyari sa mga kaibigan ko o itatago ko muna hangga't hindi ko nakakausap si Jade. Iniisip ko rin na wala na akong maiharap na mukha kay Jade pagkatapos ng ginawa ko kagabi kaya paano ko naman siya kakausapin? Kung maghihintay naman ako ng tyempo ay baka mauna pang malaman nina Bry ang nangyari bago ko pa masabi. Baka isipin naman nila nagsisikreto ako sa kanila.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now