10.

19 4 0
                                        

I groaned upon hearing the sound of my alarm. Parang kaka-set ko lang noon a few minutes ago tapos tumunog na kaagad. That two-hour nap felt like a minute.

Paano kasi'y inabot na naman ako ng madaling araw sa pagtapos ng school works. Parang pagod na pagod tuloy ako kahit nakaupo lang naman ako sa harap ng study table.

Tila isang baliw akong biglang napangiti nang maalala ko si Jade. I can recall the night when I caught her singing on the balcony. Hindi ko na nga lang maalala kung totoo bang nangyari iyon o nananaginip lang ako. Siguro delusyon ko lang 'yon; must have been the side effect of my three cups of coffee last night.

Mabilis ako umiling upang mawala na sa isip ko si Jade. Ang aga aga, si maldita kaagad ang nasa isip ko.

I stood up and went straight to the bathroom to take a bath. Napangiwi pa ako nang makita ang sarili ko sa salamin. I stared at my swollen, puffy face. The area under my eyes have gone dark already due to lack of sleep. My shoulder length layered hair looked messy as well. Though I think, it looks better when it's messy.

My forehead creased when I heard knocks from my door. Wala naman akong ineexpect na bisita ngayong araw. Saka sobrang aga pa. Sinong baliw naman ang kakatok nang ganito kaaga?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil nag-aalangan pa ako. I was surprised to see Jade in front of it. Mukhang kakagising lang din, she's still wearing her pink sleepwear.

"Bagal magbukas." Reklamo niya kaagad ang sumalubong sa akin. "Maaga ka ba papasok?" she asked.

"Yeah," I answered in my sleepy voice.

"Ang deep pala ng boses mo sa umaga," she randomly said. "May muta ka pa." I was taken aback when she leaned and tried to take it off of my face. She's so near that I can smell mint from her breath.

Nahiya ako bigla. Parang kaka-toothbrush niya pa lang at ako naman wala pang mumog. Baka maamoy niya rin hininga ko.

I stepped back and removed it on my own. "Sorry, kakagising ko lang kasi, hindi pa ako nakakapag-ayos." I apologized.

"Okay, sabay tayo pumasok."

"Bakit?" Napatanong tuloy ako. I'm just not used that she's telling me to go to school with her. Most of the time kasi hindi niya naman ako pinapansin, iniiwasan pa nga.

"I've had a bad dream. Nasagasaan daw ako. Kaya sabayan mo ako pumasok, baka masagasaan talaga ako." Her explanation made me want to laugh. Para siyang bata.

"Sama kasi ng ugali mo, 'yan tuloy, pati panaginip mo masama na rin." Pang-aasar ko.

"Of course, sasama talaga panaginip ko. Mukha mo ba naman ang huli kong nakita bago ako matulog," sabi naman nito para bumawi.

"Okay," sagot ko na lang. "Akin na number mo, I'll text you kapag aalis na." I took out my phone and dialed as she dictate her phone number.

"See ya'."

I stood there, dumbfounded, as I watch her go back to her unit. What just happened?

Naiiling kong isinara ang pintuan at bumalik na sa banyo para maligo na talaga. Pagkatapos ay s'yempre nagbihis na, alangan namang nakahubad lang. I decided to skip breakfast today because I still feel full. Kumakain kasi ako habang gumagawa ng school works kaya busog pa ako hanggang ngayon.

I felt the urge to use my favorite perfume today, and so I did. Ginagamit ko lang talaga iyon sa mga special occasions pero ewan ko, gusto kong gamitin ngayon. I tried to look at my best as well. Nag-aalala pa nga ako kung gusot ba ang uniform ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong mag-ayos ngayong araw gayong sanay naman akong walang ayos kapag pumapasok sa school. Siguro kasi kasabay ko si Jade. Gusto kong pantayan ang level niya dahil palagi siyang nakaayos. Gano'n lang siguro 'yon.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now