05.

30 3 0
                                        

Sinclair Jade Navarette

"Yeah. Pero 'wag kang mag-"

I made my way out as soon as I heard the answer. I didn't wait for her to finish her sentence anymore. Ayaw ko na siyang kausapin. I'm scared that I won't be able to hold my self back at kung ano pa ang masabi ko.

Yes, I am mad. The reason might be shallow but I am still mad. I know that it's my fault for not taking care of my things, kasalanan ko kung bakit nawala ang diary ko. But why does she have to read it? Kung napulot niya 'yon, e 'di salamat. Pero hindi naman kailangang silipin ang laman no'n. I would understand if she only looked on the first pages to look for my information. But reading the entire diary is invading my privacy!

Kung makasagot pa siya ay parang hindi iyon big deal sa 'kin. At kung hindi pa siya nadulas, hindi rin siya aamin.

Kahit paika-ika ako ay mabilis akong nakarating sa locker. I opened it and took my clothes. Magpapalit naman talaga ako. She thought I didn't prepare my extra clothes? Sinabihan niya pa akong mag-alis ng sweater kanina. Always prepared kaya ako! I prepared my extra clothes dahil alam kong pawisin ako. And the fact na sobrang init sa gymnasium at naka-sweater ako during PE would trigger it.

I rolled my eyes before closing my locker. I went to the restroom to change into my new clothes. It's just a basic top, pinatungan ko ng cardigan to hide my wrist. Nag-pants na rin ako para itago ang pasa sa tuhod ko.

PE is our last subject today so I decided to just go to the library. Wala rin naman akong gagawin sa condo kung uuwi ako kaagad. Klea won't be there to accompany me either. Ayo'ko naman kasi siyang abalahin araw-araw.

Maayos na sana kahit papaano ang mood ko pero nakita ko na naman ang demonyong student council president. Pati ba naman sa library?!

She didn't notice me. Tulog kasi siya. I don't know why she just went to the library to sleep. She can just go home if she wants to sleep. Hindi naman ito k'warto niya kaya bakit dito siya natutulog? Tss.

"Masama pakiramdam n'yan ni Pres. Kawawa nga, e. Kanina pinipilit niya pa magbasa tapos nakatulog na," Dominique suddenly whispered. She must've notice that I was looking at Ace-whatever her name is. Narinig ko lang naman iyon sa PE teacher namin kanina.

"Ano nga palang babasahin mo today?" she asked in a low tone. Well, obviously, kasi bawal mag-ingay.

I gave her the card. Dominique is the student librarian here. Nakilala ko lang last week dahil palagi kaming nagkikita kapag tumatambay ako rito.

After I got the book, I sat on the table located at the back of the room. P'westo ko kasi ang inupuan ni Ace. Alangan namang gisingin ko pa siya para umupo roon.

I tried my best to focus on reading but my eyes keeps on landing at Ace. For some reason, naawa rin ako. Masama pala ang pakiramdam niya pero tinulungan niya ako sa clinic kanina. Bakit ba ako concerned, e galit ako sa kaniya?!

Hindi na ako nakatiis at binuksan na ang bag ko. I took the sandwich that I bought at the cafeteria earlier. Hindi ko na nakain dahil wala akong gana. I also took a paracetamol in my bag. I always have meds in my bag because Klea has a weak immunity. Bigla biglang nagkakasakit 'yon kaya I bring any types of medicine everytime, everywhere.

I placed the sandwich and paracetamol beside her on the table. Mind that I only did that because she helped me earlier. Bahala siya kung tatanggapin niya 'yon. Kung choosy siya, e 'di h'wag.

I panicked when she suddenly opened her eyes. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Hindi na rin naman siya tumingin sa 'kin dahil pinatay niya ang alarm niya. Hindi ko napansing nag-alarm pala siya dahil vibration lang naman iyon. If I only know that she would wake up in her alarm, e 'di sana binilisan ko ang pag-kilos at umalis na agad sa harap niya.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now