"Tangina talagaaa," sabi ko saka bumuntong-hininga. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. I closed my eyes and covered my face with my wrists.
Jared just laughed while watching me being frustrated. I called him over because I needed someone to talk to, hindi iyong tatawanan lang ako. Siya ang gusto kong makausap ngayon dahil hindi naman p'wedeng si Bry at ayo'ko ring istorbohin si Gab ngayon dahil lumabas sila ni Klea.
"Bakit natutulig ang beshy ko?" Pang-aasar pa nito.
I threw a pillow at him. "Wala kang ambag, letche ka."
He just kept laughing. He stood up from the couch and went to my bed to sit down beside me. He talked when he recovered from laughing. "Ano ba kasing nangyayari sa 'yo? Akala mo siguro hindi namin napapansing iniiwasan mo sina Bry at Clair."
I sighed instead of answering.
"Para kang tanga. Siguro akala mo hindi namin nahahalata dahil sumasama ka pa rin kapag inaaya ka namin. Akala mo ba hindi namin nakikita na hindi mo masyadong pinapansin si Bry? Tapos kapag topic namin sila ni Clair, bigla kang iiwas o iibahin mo ang topic. Galit ka ba sa kanila? Kasi Ace, sobrang obvious mo," he seriously said. Wow, may serious side pala 'to. Akala ko puro lang siya kalokohan sa buhay.
I didn't answer and just stared at the ceiling.
"Wala sa kisame ang sagot," he said. "Nandito." He went closer and flicked my forehead.
"Aray ko naman!" Reklamo ko saka hinawakan ang noo ko.
"Sumagot ka kasi! Pinapunta mo ako rito para kausapin tapos hindi mo naman ako kinakausap. Gago ka yata, e." Reklamo niya naman pabalik.
"Oo na!" inis kong sabi. "Hindi naman kasi ako galit sa kanila..."
"Kung gano'n naman pala, bakit mo sila-"
"Natatakot ako, Red."
He raised his brow. "Natatakot? Bakit, multo ba sila?"
"Bugok," sabi ko naman at binatukan siya. "Natatakot lang naman ako kasi..."
"Kasi baka gusto mo na si Clair?" he finished the sentence for me and I just agreed.
"Ayo'ko namang magkagusto ro'n, e. Ayo'kong sirain ang plano ni Bry. 'Di ba, he's been planning to ask her out?" Nai-k'wento sa 'min ni Bry na balak niya nang umamin kay Jade. Hinahayaan ko na nga sila dahil bagay naman sila, e. "Kaya nga hindi ko na pinapansin si Jade kahit magkapitbahay kami at magkasama sa student council, e. Kasi natatakot akong baka kapag tumagal, maging gusto ko na rin siya."
"Pero gusto mo na?"
I looked at him and unconsciously nodded. "Ah, hindi ko na alam ang gagawin." I took a pillow and covered my face with it.
"Hirap niyan," sabi ni Jared. "Imagine, crush mo rin 'yong crush ng tropa mo. Tapos straight pa!"
"Ewan ko, bahala na. I'll get over it. For sure, mawawala rin 'to kapag nag-date na sila," I said, completely disregarding my own feelings.
"Ano 'yan, hindi ka aamin?" he asked.
I shook my head. "Hindi na. What's the point? Besides... Chance na 'to ni Bry! Inaamag na ang love life no'n, e."
"Sure ka na?" he asked. Tumayo pa ito para maghalungkat sa ref ko.
"Ikaw nga, hindi umamin kay Gab, e."
Natigilan siya sa pagkuha ng pagkain sa ref ko. Isinara niya iyon at natulala sa akin. "Pa'no mo nalaman?"
"Hindi ko alam, hinuhuli lang kita," sagot ko naman saka bumangon para umupo. "Well, ngayon alam ko na."