Narrator I
"Hi Py! Welcome back!"
Abala siya sa pagseset-up ng computer nang marinig ang pangalang binanggit. Sinundan niya ng tingin ang babaeng pumasok sa entrance ng office nila. Seryoso lamang ito habang patungo sa sariling pwesto.
"She's back," wika ni Jickain sa isip habang kunwaring inabala ang sarili sa pagset-up ng sariling computer. Ilang araw na ba ang lumipas nang huli niyang makita ito? Hindi niya alam ang pangalan ng babae kahit pa nasa iisang kumpanya sila. Madalas niyang makasalubong ito tuwing lunchtime nila sa pantry area. Laging nakapoker-face ang babae at parang hindi yata marunong ngumiti. Aaminin ni Jickain, nakuha ng babaeng iyon ang atensiyon niya.
"Hoy Jicks! Gago bakit nag-left ka sa gc?" Iyon agad ang bungad sa kanya ng kaibigan at ka-officemate na si Luck. Hindi niya pinansin ito. Badtrip pa siya simula kanina. Lagi na lang siyang na-iissue sa opisina nila dahil sa pagiging babaero raw niya. Friendly st gentleman lang siya. Paanong naging babaero iyon? At wala siyang niyayang ihatid kagabi. Sino na naman kaya ang malakas ang loob na magpakalat ng ganoong issue?
"Sabi ko nga badtrip ka. 'Ge. Alisin mo muna init ng ulo mo. Dami pa namang bagong chickababes ngayon."
Itinaas lamang niya ang gitnang daliri habang tatawa-tawang tumayo ang kaibigan at bumalik sa pwesto nito. Maya-maya ay nakita niyang dumaan ang babae sa gilid niya at muling lumabas. Wala pang ilang minuto ay bumalik ito nang nakasimangot.
"Cute," bulong niya. Kahit nakasimangot ang babae ay hindi mapagkakailang cute ito.
"Yung mata mo Jickain, lumilikot na naman ha? Mag-usap tayo mamaya," napatanga siya nang sabihin iyon ng Supervisor niya. Mukhang nakarating na rin dito ang tungkol sa issue niya.
Sa hindi inaasahan ay napatingin siya sa pwesto ng babae. Malapit lamang siya rito kaya malamang na narinig nito ang sinabi ng Supervisor niya. Malas!
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...