Messenger
June 21,2021 | 6:23 PM
Mudra ❤
•Active NowMudra:
pag-uwi mo bukas bayaran mo na yung tubig saka ilaw saka yung pambaon pala ng kapatid mo wag mong kalimutan.
Pyry:
Opo, Ma.
Mudra:
wag ka munang bili mg kung anu-anong gamit mom daming gastusin ngayon sa bahay.
Pyry:
Ma, kailangan ko na pong palitan yung sapatos saka bag ko. Nagsabi na po ako sa inyo last week.
Mudra:
kahit na. magtipid ka muna. saka bigyan mo pala ako kahit 4k. may babayaran akong utang.
Pyry:
Ano pong utang? Kanino?
Mudra:
ang dami mong tanong. basta bigyan mo na lang ako. pati pambudget natin sa buong kinsenas.
seen
×××××
Narrator VII
Pagkatapos basahin ang huling mensahe ng ina ay pinatay na ni Pyry ang cellphone bago iyon ipasok sa loob ng sariling locker. Nakagat na lamang niya ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata.
Lagi na lang ganito.
Sinara niya ang locker at saktong pagharap ay nakita ang taong kasama lang niya kagabi. Nasa tapat din ito ng locker at abala sa kung ano. Saglit niyang pinagmasdan ang likod ni Jickain bago nilisan ang locker area. Habang naglalakad papasok sa loob ng production area ay hindi niya maiwasang tingnan ang mga kaibigang nasa iisang hilera lamang katabi ng station niya. Pag-upo niya ay agad siyang nilapitan ni Khadija.
"Huy ang tahimik mo ah," pagpansin nito sa kanya. Ngumiti lamang siya dito.
"Tahimik ka naman pero iba ngayon eh. Is something wrong?" may halong pag-aalala na tanong pa nito.
Ayaw niyang magkwento sa mga ito. She doesn't want to bother her friends either.
"Wala naman. Magpapaalam akong mag-half day ngayon," sagot niya. Mataman siyang tiningnan ng kaibigan bago siya niyakap nito. Nakita naman sila ni Heaven, Elizabeth at Asterielle kaya lumapit din ang mga ito sa kanila at walang salitang niyakap din siya.
"Group hug!" Sabay-sabay na wika ng apat.
"What's going on Team Raiko?" Malakas na tinig ang nagpahiwalay sa kanilang lima at ng tingnan ang salarin ay ang Manager nilang si Raiko ang nakatayo sa gilid nila. Tila nawala ang laman ng isip niya ng magbiruan ang mga ito. Sa isang banda ay nahagip ng paningin niya si Jickain na nasa tapat ng pwesto niya.
He's looking at her with a little smile on his face.
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...