51

25 2 0
                                    

Narrator XI

Pinatay ni Jickain ang makina ng sasakyan bago bumaba mula roon. Day off niya ng araw na iyon kaya naisipan niyang dalawain si Pyry. Nasa tapat siya ng apartment kung saan naninirahan ang pamilya ng dalaga. Ilang beses na siyang nakapunta sa apartment ngunit hindi pa siya nakakapasok sa loob niyon. Lagi lang siyang nasa labas kapag hinahatid niya ang dalaga. Maging ang pamilya nito ay hindi pa niya nakikilala. Alam niyang hindi pa official ang relasiyon nila ni Pyry kaya naiintindihan niya ang desisyon ng dalaga na hindi muna siya ipapakilala nito sa pamilya. Saglit na tinawagan niya ang cellphone nito. Alam niyang hindi pa tulog ito dahil hindi ang dalaga ang klase na makakatulog agad lalo na sa loob ng tahanan nito. Alam niya dahil nakwento nito sa kanya. Nag-ring ang phone ni Pyry hanggang sa marinig ang boses nito sa kabilang linya.

"Hindi ka pa nakakatulog?" tanong niya.

"Hindi pa. Ang daming ginagawa ngayon. Busy si mama."

"I'm outside your place, miss ma'am."

"Ha? Bakit nandito ka?"

Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ni Pyry pero hinayaan na lamang niya iyon. Pagod at puyat ang dalaga. Isa pa ay hindi rin naman siya pinapapunta nito.

"Wala naman. Can I see you for a moment? Three days ang team building and I won't see you for three days."

Ewan ba niya pero simula ng unti-unti niyang nakilala si Pyry ay ang dami ng nagbago sa kanya. He became attentive even for the smallest details of her personality and he gave effort for her.

"Three days? Ang tagal pala."

"Oo."

Wala siyang narinig na tugon mula rito. Akala niya ay pinatay na ng dalaga ang tawag ngunit nandoon pa rin ang tawag. Ilang saglit pa ay nakita niyang lumabas ito sa apartment. May bitbit na bag. Napangiti na lamang siya rito paglapit.

"Sabi mo kasi three days kayong mawawala. Can I stay at your place?" Diretsong tanong nito sa kanya. Lalaki siya pero kinilig siya sa tanong ng dalaga.

"Of course. Pwedeng doon ka na rin mag-stay hangga't gusto mo," aniya at kinuha ang bag nito bago sila pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ayoko. Baka mapalayas ako ng tuluyan sa apartment. Nagpaalam nga ako kay mama buti pinayagan ako. Uuwi rin ako bukas kasi may bisita," paliwanag nito sa kanya.

Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang matuwa sa kadaldalan ng dalaga. Tahimik ito noong mga unang buwan na magkasama sila ngunit habang nagiging komportable itong kasama siya ay lumalabas ang pagiging madaldal at palakwento nito. She was his opposite. Pyry is such an introvert woman while he's an extrovert. Kaya alam niyang hindi talaga ito palasalita.

"Sabi ko nga masyadong importante yung bisita niya kasi buong apartment pinalinis niya. Lahat pinalitan ng bago yung mga gamit." pagkukwento nito na ang tinutukoy ay ang ina.

Pagdating sa condo unit ay agad na humiga si Pyry sa mahabang sofa ng nakadapa habang dinala niya ang bag nito sa kwarto. Pagkalapag ng gamit ng dalaga ay nilapitan niya rin ito at umupo sa tiled floor upang magpantay sila.

"Kumain ka na ba?"

Iling lang ang naging sagot ni Pyry sa kanya sabay pikit ng mga mata. Marahan niyang hinaplos ang buhok nitong tumatabon sa mukha at saglit na pinagmasdan ang dalaga.

I will wait for you no matter what.

Tumayo siya at nagpadeliver na lamang ng pagkain dahil wala pa siyang stocks sa condo unit niya. Hindi naman kasi siya madalas pumirmi sa lugar dahil sa bahay pa rin siya ng parents niya umuuwi lalo at nasa ibang bansa ang bunsong kapatid niya. Habang naghihintay sa delivery ay nakita niyang tumatawag ang mommy niya.

"Mom?"

"Iho, where are you? Wala ka sa bahay."

"I'm here at the condo now, Mom. Bakit po?"

"Condo unit anak? Bakit nandiyan ka? You spend a lot of time in your condo unit, son."

"Mommy, I'm with her."

Wala siyang narinig mula sa kabilang linya. Ilang saglit pa ay narinig na niyang tinatawag ng mommy niya ang pangalan ng daddy niya.

What a supportive parents. I love you both Mom and Dad.

Dinig niya ang pag-uusap ng mga ito hanggang sa putulin ng mommy niya ang tawag. He received a text message from his dad which gives him relief.

From Dad:

You better take care of her, son. We want to meet her soon. Okay?

To Dad:

I will formally introduce her soon dad. Tell mom to be patient. Haha. Love you both.

Napangiti na lamang si Jickain sa isa pang mensahe ng ama. Nang dumating na ang pagkain nila ay saglit niyang inayos iyon at marahang ginising si Pyry. Nagising naman agad ang dalaga at sumunod sa kanya sa kusina. Hinayaan niyang tahimik na kumain ito.  Mabilis ding naubos ang pagkain ng dalaga. Sinundan niya ng tingin ito habang nililigpit ang pinagkainan nila.

"You can sleep now. Ako ng bahala diyan," pagtataboy niya rito saka sinimulang hugasan ang pinagkainan nila.

Akala niya ay nakatulog na ito ngunit mayamaya lang ay naramdaman niyang pinulupot nito ang braso sa katawan niya habang nakatalikod siya.

"Py?"

"Hmm?"

"Nothing. I like it when you hugged me like this," he confessed to her. Narinig niya ang mahinang tawa nito. Ganoon lang ang posisyon nila hanggang sa matapos siya sa ginagawa.

Inalis din ng dalaga ang pagkakayakap sa kanya at akmang lalayasan sana siya ay kinulong niya ang katawan nito sa matipunong braso niya. Halos buong katawan nito ang yakap niya dahil may kaliitan ang babae.

"Tulog na tayo?" bulong niya sa tenga nito. Tumango si Pyry sabay tumingkayad at kinawit ang braso sa leeg niya kaya minabuti niyang buhatin ito papasok sa loob ng kwarto. Marahan niyang nilapag ang maliit na katawan nito sa malambot na kama. Padapang humiga ang dalaga kaya sumampa siya sa kama bago ito iharap sa kanya. Kinuha niya ang ulo nito at pinaunan sa braso niya habang ang kamay ni Pyry ay yumakap sa bewang niya.

"Day off mo bukas 'di ba?" tanong niya rito. Inayos niya ang pagkakakumot dito.

"Hmm."

"Sama ka sa Zambales? Doon ang team building namin."

"Ayaw. Matutulog ako maghapon bukas."

"Ah, okay. Pasalubong? May gusto ka?"

"Kahit ano. Ikaw bahala."

"Sure ka? Paano kapag wala?"

"Okay lang. Basta uuwi ka pa rin."

He chuckled.

"Silly. Syempre naman. Team building lang 'yon. Besides, my friends is also there."

"Okay."

Sa'yo lang ako uuwi, Py.

Jickain the Jerk [epistolary]Where stories live. Discover now