77

34 2 0
                                    

Narrator XIX

"Hi miss ma'am.."

Hindi alam ni Pyry kung anong mararamdaman ng akayin siya ng Mommy ni Jickain palapit sa binata. Umalis na ang ginang pagkatapos siyang ihatid nito sa boyfriend. Magkatapat tuloy silang dalawa ngayon habang nakatitig ito sa kanya. Ang mga kaibigan nito ay masayang tinutukso sila lalo na si Helios. Tinawanan lamang nilang dalawa ni Jickain ang mga kaibigan nito.

"Anong meron?" Naiiyak na tanong niya sa binata. Inulan sila ng tuksuhan mula sa pamilya nito at ng mga kaibigan ng binata nang marahan siyang hilahin ng mas malapit dito pagkatapos ay niyakap ang malayang braso nito sa kanya saka siya hinalikan sa noo.

"I love you," bulong nito pagkatapos ay pinakawalan na siya. Binigay nito ang bungkos ng Tulips sa kanya. Wala siyang mahanap na sasabihin dahil sa kakaibang sorpresa nito. Napatingin siya sa banner na mas lalong naging dahilan para tuluyang tumulo ang luha niya.

"Uh.. I hate seeing you crying, miss ma'am. That's what I promised the day I saw you crying at the bar-" Huminto at muling nagpatuloy sa sinasabi.

"Mom, Dad, and friends.. don't get me wrong. She's alone when I saw her. Crying. That's when I realized I want to keep her, I want to be with her and love her. I know, this might sound gayish or corny but what I can do? She's the woman I fell in love with. I'll do everything to see her smile. To hear her laugh. I love you so much Pyry Snow Montealegre. Sabi nga sa kanta ni Elijah Woods, ain't an hour that rolls by, I love you 24/7, three six five miss ma'am."

Mahabang pag-confess ni Jickain sa kanya. Naitakip niya ang palad sa bibig habang hinahayaang tumulo ang luha sa mga mata lalo na ng lumuhod ang binata sa harapan niya.

"Pyry.. I know it's too early. I know it's only been a few months since we've been together but even in that short time, I knew to myself that I was sure of you. You're the woman I want to grow old with. The woman who will carry my name and the one I will care and cherish everyday. Miss ma'am, love, baby, the love of my life, will you marry and grow old with me?"

Sunud-sunod na pagtango ang naging tugon niya sa huling tanong ni Jickain. Hindi niya magawang makapagsalita dahil tila bumara ang lalamunan niya dahil sa pag-iyak.

"Is that a yes, miss ma'am?" Paniniguro pa ni Jickain. Mahina niyang pinalo ito sa balikat bago sumagot.

"O-of course. I-ikaw pa ba? Syempre papakasalan kita." Tuloy lang sa pag-agos ang luha sa mga niya ngunit hindi iyon alintana ng boyfriend dahil mabilis nitong hinalikan ang labi niya pagkatapos na isuot ang engagement ring.

"Hey, that's rated 18+. May bata rito oh!" Malakas na pambubuska ng kapatid ng binata sa kanila. Nagtawanan ang lahat hanggang sumabog ang isang confetti sa paligid.

"To the new engaged couple! Congratulations!"

"Congratulations Pyry! Papi Jicks!"

"I'm happy for you iha, congrats anak."

"Thank you po, Dad."

"Congrats son. I'm happy for you, iha and welcome in advance to our family."

Hindi magkamayaw sa pag-congrats sa kanila ang mga kaibigan nito at ng pamilya ng binata.

Lihim na napangiti si Pyry habang yakap siya ni Jickain at nagkakasiyahan naman ang mga kasama nila.

Masaya siya aaminin niya. Hindi man niya inasahan na darating ang pagkakataon na mamahalin din pala niya si Jickain pagkatapos ng mga issue na kumakalat noon patungkol sa binata. She hated him the first time he sent her a message. He was known as a playboy.
But the longer she gets to know him, the more she realizes that most people misunderstand him.

Oh, how she loves this guy.

Her soon to be husband. Her fiancè.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jickain the Jerk [epistolary]Where stories live. Discover now