47

30 2 0
                                    

Narrator X

"Are you home?"

"Yes. Kauuwi ko lang. Why?" Makailang beses humikab si Pyry bago ibaba ang dalang bag sa kama at umupo doon. Naroon siya sa condo unit ni Jickain na pansamantalang tinutuluyan. Iyon ang pinagamit sa kanya ng binata nang minsang palayasin siya ng ina sa apartment nila dahil sa simpleng away lang. Kahit anong gawin niya ay hindi siya kinikibo ng ina hangga't hindi usaping pera. Wala naman siyang choice kung hindi magbigay dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya niya.

Sumandal siya sa headrest at pinikit ang mata. Pagod at antok na siya ngunit tumawag ang binata kaya sinagot pa rin niya iyon.

"Have you eaten?" tanong pa nito.

"Kanina sa office. I'm tired and sleepy," mahinang anas niya na halos napapapikit na siya.

"Nasa kwarto ka ba?"

"Oo." Gustuhin man niyang makipag-usap pa sa binata ngunit wala na siyang lakas para doon.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon si Jickain. Pikit ang isang mata ay tumayo siya upang salubungin ito saka mabilis na binaon ang mukha sa dibdib ng binata.

"I don't have energy, antok na talaga ako," aniya gamit ang mahinang boses. Naramdaman ni Pyry ang pag-angat ng katawan niya sa mula sa sahig ng buhatin siya ni Jickain at ilapag ang katawan niya sa malambot na kama. Tumagilid siya ng higa at hinayaan ang binata na ayusin ang kumot sa katawan niya. Ilang saglit pa ay lumundo ang kama tanda na may humiga sa tabi niya. Walang salitang inusog niya ang sarili para mapalapit dito at hinayaang yakapin siya ni Jickain.

"Sleep tight, miss ma'am."

Jickain the Jerk [epistolary]Where stories live. Discover now