Narrator XIV
"I'm home!" Pasigaw na wika ni Jickain pagpasok sa loob ng condo unit niya. Dumiretso siya sa mahabang sofa at nilapag saglit ang dalang bag bago tinungo ang kwarto. Pasado alas dose ng tanghali na siya nakauwi kahit pa sabihing alas diyes ang labas niya sa opisina. Paano ay nagpasama ang bestfriend na si Iazone sa mall para bumili ng regalo. Mukhang may nililigawan ang kaibigan ngunit hindi na lamang siya nagtanong pa.
Binuksan niya ang pinto ng kwarto at tumambad ang girlfriend na natutulog. Ang kumot ay nasa bandang paa ng dalaga nakalagay kaya kinuha niya iyon at maayos na kinumutan ang girlfriend. Saglit lang kumuha siya ng pamalit na damit saka nagbihis. Dahan-dahan lamang siyang sumampa sa kama upang hindi magising ang dalaga ngunit nabigo siya dahil nagmulat ng mga mata si Pyry.
"Jickain?" pikit ang isang matang tanong nito sa kanya.
"Hi, miss ma'am. I'm home."
Tumabi siya rito habang isiniksik ni Pyry ang katawan sa kanya. Nakasandal siya sa headrest ng higaan habang nakapatong sa dibdib niya ang ulo ng dalaga. Ang kamay ay nakayakap sa may bewang niya. Magaang hinaplos-haplos niya ang buhok nito.
"Namiss mo 'ko?" kunwaring pang-aasar na tanong niya sa dalaga.
"Hmm. Have you eaten?" mahinang tanong ng dalaga sa kanya gamit ang antok na boses nito.
"Opo. I ate already. You have shift later, right? You should get more sleep."
Tumingala ang dalaga sa kanya kaya kita niya ang namumungay nitong mata. Humikab pa ito ng ilang beses kaya hindi niya napigilang halikan ito sa labi.
"Tulog ka na rin, hmm? Antok ka na rin," wika pa ni Pyry sa kanya. Ang isang kamay ay humaplos sa pisngi niya. Hindi naman niya napigilan ang kakaibang reaksyon ng katawan niya sa ginawa ng dalaga. Mahina siyang napaungol dahil doon.
"A-Alright. Let's sleep. Inaantok na rin ako."
Muling yumakap sa kanya ang dalaga na mukhang tuluyang nakatulog na rin.
Nang magising si Jickain at nakitang madilim na sa buong kwarto ay bumangon na siya. Kinapa niya ang cellphone at tiningnan ang oras doon. 6:45 PM. Kaya pala madilim na. Tiningnan niya ang girlfriend na mahimbing pa ring natutulog. 9PM ang pasok nito at kailangan na rin niyang mag-asikaso para sa pagkain. Saglit niyang inayos ang kumot nito saka lumabas ng kwarto.
Mabilis niyang tinapos ang pagluluto at saktong alas siete y medya ay natapos na rin siya. Habang inaayos ang pagkain ay siyang pasok ni Pyry sa loob ng kusina. Nakabihis na ang dalaga at bagong ligo.
"What time did you wake up?" tanong niya at inabot ang plato rito.
"Seven. Nag-ayos na ako paggising. Alis na ko ng 8PM."
"Alright. I'll take you to work."
"Hindi na. Mag-commute na lang ako. Mabilis lang naman yung byahe ko."
"Pyry."
"Kaya ko. I can take care of myself. Magpahinga ka na lang saka bumawi ng tulog."
Hindi na lamang siya sumagot. Pinanood niya ang dalagang sumandok ng pagkain nito. Mukhang wala siyang magagawa sa desisyon nitong huwag magpahatid sa kanya. Tahimik silang kumain hanggang siya na ang bumasag ng katahimikan nilang dalawa.
"Miss ma'am, I have something to tell you," mahinang wika niya. Saktong natapos na ang pagkain ng dalaga at binaba na nito ang kutsara't tinidor bago tumingin sa kanya.
"Ano?"
Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng malamig na aura mula sa girlfriend.
"Freia's inviting me to her brother's birthday event. Her family's the one who invites me not her. Is it okay if I attend the party?"
Gusto na rin naman niyang matuldukan na ang anumang iniisip ng pamilya ni Freia sa kanilang dalawa. Pagkatapos niyon ay aalis na rin siya at tatapusin na ang pagkakaibigan nila alang-ala sa babae na alam niyang matagal ng may gusto sa kanya. Hindi niya ito minahal kailanman.
"You can go."
He can go? Iyon lang ang sagot ng girlfriend sa kanya? Parang hindi niya gusto ang sinagot nito.
"Okay lang sa'yo? I mean-"
"Hmm. It's fine. I trust you, so go. Hindi kita pipigilan."
"Next week pa naman 'yon."
"Oo nga. Pumunta ka. I won't stop you."
Hindi niya mawari kung pumapayag ba itong tanggapin ang invitation ni Freia o hindi.
"Ayaw mo ba?" tanong niya. Tumayo si Pyry at sinukbit ang dalang bag bago ito sumagot.
"No. Wala akong sinabing ayoko. Sige na, baka ma-late ako." Iyon lang pagkatapos ay dire-diretsong lumabas ng condo unit ang girlfriend niya. Akmang hahabulin niya ito ng makatanggap ng notification galing sa email. Muntikan na niyang mabitiwan ang hawak na cellphone matapos ang nakita.
Kaya ba nagkakaganoon si Pyry? Nakatanggap din ba ito ng email galing kay Freia?
Dammit!
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...