43

25 2 0
                                    

Messenger

June 24,2021| 1:40 PM

Jickain Alexandrius Chapman
•Active Now

Pyry:

Salamat sa paghatid.

Jickain:

No problem, miss ma'am!

Pyry:

😊

Jickain:

Take your meds and don't forget to drink your hangover juice.

Pyry:

I will. Thank you dito.

Jickain:

Always welcome.

Anyway, we have a practice game later by 4pm. Is it okay if I invite you? Basketboys 2.0 will be there too.

Pyry:

Who's Basketboys?

Jickain:

Oh, it's our group chat name. Helios, Iazone, Luck and Kingsley.

Pyry:

Haha.
Okay.

Jickain:

Okay? You mean?

Pyry:

I'll come with you.

Jickain:

Sure 'yan? No biro?
Susunduin kita sa inyo.

Pyry:

Huwag na. Pupunta ako.

Jickain:

No. I insist. I'll fetch you later.
Kahit around 3:00 PM. Okay lang?

Pyry:

Sure.
Asikaso na rin ako.

Jickain:

Yown! Thanks, Py!
Can't wait to see you again.

Pyry:

😊😊

2:58 PM

Jickain:

You can take your time. Labas ka na lang kung ready ka na.

Pyry:

Nandito ka na?

Jickain:

Yes po.

Pyry:

Alright. Palabas na.

Jickain:

Can I ask a favor?

Pyry:

Basta kaya ko lang.

Jickain:

Haha. Alam kong kaya mo.

Pyry:

Sabi mo eh. Teka, ano ba 'yon?

Jickain:

I'll ask later paglabas mo.

Pyry:

Hay nako. Sige na nga. Wait.

×××××

"Jickain," pagtawag ni Pyry sa binata paglabas sa apartment na tinutuluyan. Nakita niya agad ang binata na nakasandal sa kotse nito. At aaminin niya, ang gwapo ng mokong sa suot nitong white sando na may patong na itim na polo long sleeve sa panlabas, denim pants at white sneakers. Para itong modelo ng sasakyan at may mga kapitbahay na ring nakikiusosyo sa kanila.

"Py. Wow. You look beautiful." Hindi siya sanay na pinupuri lalo na ng lalaki kaya alam niyang pulang-pula na ang pisngi niya ngayon sa hiya.

"T-thanks. Ano palang favor mo?" tanong niya habang inalalayan siya nitong pumasok sa loob ng sasakyan pati sa pagkabit ng seatbelt.

"I'll tell you when we get there."

Nang i-start ng binata ang sasakyan ay tahimik silang bumiyahe hanggang makarating sa venue kung saan gaganapin ang practice game ng basketball team. Pagdating pa lamang nila ay sa kanila dumako ang atensiyon ng mga kaibigan nito.

"Pyry!!!" Halos sigaw na tawag sa kanya ni Luck. Patakbo itong lumapit at akmang yayakapin siya ng harangin ito ni Jickain. Natawa siya sa inasal ng binata at sa pagrereklamo ni Luck.

"Damot! Yakap lang akala mo sila na." Nagtawanan ang magkakaibigan at patuloy sa pag-aayos at ang iba ay nagbihis na rin. Umupo siya malapit sa gamit ng binata ng pumasok ito sa banyo upang magbihis. Paglabas ay agad ding lumapit sa kanya habang ang mga kaibigan nito ay dumiretso sa coach ng team.

"Favor?" nakangiting tanong nito.

"Anong favor?"

"Pwede kitang yakapin? Kukuha lang ng lakas."

Iyon lang pala ang gusto ng loko.

"Okay. Yakap lang naman-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang kinulong ng binata sa braso nito.

"Hindi na pala kita gusto, sa tingin ko tuluyan na akong nahulog sa'yo, Py." nagulat man ay hindi iyon pinahalata ni Pyry. Pagkatapos siyang yakapin ni Jickain ay mabilis din itong tumakbo sa mga kateam nito habang naiwan siyang hindi makapaniwala sa sinabi ng binata.





Jickain the Jerk [epistolary]Where stories live. Discover now