Narrator XVIII
"Ready ka na?" May ngiti sa labing tanong ni Jickain sa kanya. Magkasama sila ngayon habang lulan ng sasakyan ng binata. Makailang beses bumuntonghininga si Pyry dahil sa tanong na iyon ng binata. Iyon kasi ang araw kung saan siya ipapakilala nito bilang girlfriend sa mga mga magulang.
"I-I don't know. Kinakabahan ako eh," pag-amin niya. Tumingin sa kanya ang binata ng mag-red ang ilaw ng stop light.
"Don't be nervous. They are my parents and I already told them about you. Even before the days I'm bothering you with my non-stop messages. So, relax. Okay? I know magkakasundo kayo nila Mom."
"Sige. Sabi mo eh." Ngunit hindi pa rin sapat iyon para kumalma ang buong sistema niya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba siya ng magulang ng binata. Paano niya pakikitunguhan ang mga ito? Anong dapat niyang itawag sa mga ito? Kung bakit naman kasi sumaktong kulang siya sa tulog ng sabihin ni Jickain na pupunta sila sa bahay ng pamilya nito. Partida at naroon din daw ang nakababatang kapatid nito na umuwi pa mula sa France.
Nang pumasok sa loob ng ekslusibong subdivision ang sasakyan ay mas lalong dumoble ang kaba niya. Paghinto niyon sa isang three-storey house na mukha na ngang mansion ay pinagpawisan siya nang malala. Dumiretso sila sa garahe at doon na rin bumaba. Matapos maiparada ni Jickain ang sasakyan ay nilapitan siya ng binata. Kinuha nito ang kamay niya ang pinagsalikop ang mga palad nila.
"Relax, okay? Kasama mo ako."
"Kinakabahan talaga ako-" akmang magsasalita pa siya ng may isang baritonong boses siyang narinig mula sa labas ng garahe.
"Welcome home."
Isang nasa mid-50's na lalaki ang nakatayo sa harap nila ngayon ng binata. Kamukhang-kamukha ito ng boyfriend at kung bumata lang ito ng ilang taon ay mapagkakamalang kambal ito at si Jickain.
"Dad!" Masayang pagtawag ni Jickain sa ama. Hawak pa rin ang kamay niyang lumapit ito saka niyakap ang ama.
"Welcome home, anak. Welcome home, iha. No wonder my son fell for you. You're really beautiful just like his mom." Unti-unti ay tila nawala ang kabang nararamdaman ni Pyry. Magaang kausap ang ama ng boyfriend at kahit pa mukhang istrikto ay masasabi mong mabait ito.
"Thank you po, sir." aniya at yumuko bilang paggalang dito.
"Oh, please don't call me Sir. I'm not your boss. Just call me Dad as well."
Nanlalaki ang matang napatingin siya rito bago nilingon si Jickain na tatawa-tawa sa tabi niya.
"What? I told you."
Nahihiyang ngumiti siya sa matanda at muling yumuko.
"Yes po, d-dad." Halos pumiyok pa ang boses niya dahil doon.
"Son, I like her. Magkakasundo sila ng mommy mo. O siya, let's go inside. Anak, your mom's waiting for you." Pagyaya sa kanila sabay naglakad na papasok. Sumunod naman silang dalawa na magkahawak-kamay pa rin kahit sinusubukan niyang alisin ang kamay ni Jickain.
Ilang sandali pa ay isang maganda, sopistikadang babae ang bumungad sa kanila pagpasok sa loob ng bahay. Napaeleganteng tingnan nito at makikita rin ang pagkaistrikta sa mukha nito. Muling napalunok siya. Ito na ba iyon? Magkakatotoo na ba ang sinabi niyang lalayuan si Jickain para sa 20 million? Pero hindi pwede. Mahal niya kaya ito-
"Iha! I'm glad that we finally met. Welcome to our humble abode."
Masiglang bati sa kanya ng ginang na sa tantiya niya ay nasa mid-50s na rin ang edad. Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"You look really beautiful! You know, when our son told us that he's in love, I told myself that he had found the right woman for him. Thank you so much for loving him."
Tila gustong maiyak ni Pyry habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng ginang. Naramdaman niya ang magaang pagpisil ni Jickain sa palad niya. Nang oras na iyon ay nawalang parang bula ang kaba at pag-aalinlangan niya nang makaharap ang mga magulang ng binata.
They like her for him. She smiled secretly. Thank God.
"Welcome home, future sister-in-law." Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay isang matangkad na lalaking may kulay ash gray ang buhok ang naglalakad pababa habang nakapasok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng suot na jogging pants.
Kung si Jickain ay kamukha ng daddy nito, ang kapatid naman ay sa mommy nito nagmana. Parehong gwapo ang magkapatid.
"Bro! Welcome back." Pagkalapit ng kapatid nito ay yumakap dito ang boyfriend at mahinang pi-nat ang ulo nito.
"Argh. Stop doing that, kuya. Ate, tell me. Ano nagustuhan mo sa kulugong 'to?"
"Johann Aleksandrov!" Sabay-sabay na tawag ng ina, ama at ni Jickain sa pangalan nito.
"What? I'm just kidding. Alright? Welcome home both of you. This guy's right. You're perfect to be his wife."
"Johann isa!"
Hindi alam ni Pyry kung maiilang o matatawa sa mga pinagsasabi ng kapatid ni Jickain. Magkapatid nga ang dalawa, parehong makulit ang mga ito.
"Alam niyo, halina at kumain na tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain. Oo nga pala, iha from now on don't call me tita or ma'am. Call me Mom or Mommy. Okay?"
"Opo, mom." Tila natuwa ang ginang sa sagot niya dahil muli siyang niyakap nito ganun din si Jickain. Hinila sila papasok sa loob ng dining room at nagulat siya sa dami ng pagkaing nakahanda roon. Daig pa niyon ang may okasyon sa dami ng pagkain.
"Parating na ba sila?" Maya-maya ay tanong ng Mommy ni Jickain sa Daddy nito. May kung anong chineck ang binata sa cellphone bago sumagot.
"Yes, mom. They're on their way."
"Good."
"Huy, anong meron?" bulong niya sa binata habang magkatabi silang nakaupo sa harap ng mahabang lamesa.
"Mom invite some friends."
"Friends? Sino? Friends mo?"
"Hmm.. sort of." Hindi na muling nagsalita ang binata hanggang sa nakarinig sila ng ingay ng doorbell. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng ilaw sa buong dining area.
"Brown out ba? Jickain? Pumpkin, where are you?"
Magpapanic sana siya ng sa isang saglit ay muling bumukas ang ilaw sa dining area. Halos matulala siya nang makita ang binata. Nasa likuran nito ang mga kaibigang sina Iazone, Helios, Lucky at Kingsley.
All of them are holding a banner. A banner that made her cry.
And then there was Jickain, holding a bouquet of tulips and a mic. He looks like he was about to cry.
"Hi Miss Ma'am.."
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...