59

27 2 0
                                    

Messenger

September 11,2021 | 12:10 AM

Jickain Alexandrius Chapman
•Active Now

Jickain:

You seem drunk.
Let's go home? It's past midnight, miss ma'am.

Pyry:

Maya ns
Di pako lasinf
lasing*

Jickain:

Py. I'm heading to your direction now.

Pyry:

Latue.
latur di ako lasinf hahah
Kulit kasi ni Kkodi
Khadi.

Jickain:

Something happened?
Kanina ko pa napapansin na bad mood ka.

Pyry:

Wala lamg to
Maya kana punta dami pang chika ni khadijaa

Jickain:

Alright then. Let me know if you want to go home, okay?

Pyry:

Yes serrr

seen

×××××

"She seem drunk, Jick."

Nilingon ni Jickain ang kaibigan si Iazone bago ibulsa ang cellphone. Tanaw niya ang girlfriend na kanina pa lumalagok ng alak. Okay naman sila bago magpunta sa The Green Valley pero sa hindi niya malamang dahilan ay biglang nagbago ang mood nito.

"Did something happen between you two?" tanong pa ni Iazone sa kanya. Nilayo niya ang baso ng scotch na inabot ni Luck. Hindi siya pwedeng magpakalasing dahil magda-drive pa siya.

"No. We were okay before we came here."

Pinapanood lang nilang magkakaibigan ang girlfriend at mga kaibigan nito. Nagtatawanan ang lima habang umiinom. Hindi naman malayo ang table nila sa mga ito ngunit hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng magkakaibigan.

"I think you need to bring her home. Her friends are also drunk. We'll take care of them." Mahinahong wika pa ni Iazone. Sumang-ayon ang iba pa nilang kaibigan kaya sabay-sabay na silang tumayo ngunit akmang lalapit na sila sa pwesto ng girlfriend ng may humarang sa kanila.

"Hi there, Jickain. Where you going, baby?"

It's Freia. Ang babaeng nagpakalat ng litrato nilang dalawa noon na magkasama sila sa parehong lugar ding iyon.

"Freia."

"Yes, that's my name. It sounds sexy when my name comes out of your mouth. I feel like I'm getting hot," bulong nito sa tainga niya. Nanlaki ang mga niya ng makitang nakatingin sa direksiyon nila ang girlfriend. Seryoso ang mukha nito.

Damn! Not now Freia.

Asar niyang ginilid ang babae na mukhang may tama na rin ng alak.

"I'm with my girlfriend so stop messing us Freia. You won't get anything from me." Iyon lang pagkatapos ay iniwan na ito. Lumapit siya kay Pyry at maingat na hinawakan ito sa braso.

"That's enough. You're drunk, Py. Let's go home. Alright?"

Tinayo niya ang girlfriend na ngayon ay nakapikit na. Inalalayan niya ito at hinawakan ang bewang upang hindi matumba. Nagpaalam na rin siya sa mga kaibigan ganun din sa mga kaibigan ng dalaga. Lasing na nga ito dahil tahimik na. Iniyakap niya ang braso ng girlfriend sa bewang niya habang naglalakad patungo sa parking lot. Pagdating doon ay maingat niyang pinaupo ang wala ng malay na girlfriend.

She's cute when she's drunk.

Inayos niya saglit ang seatbelt nito bago pinaandar ang sasakyan.

Jickain the Jerk [epistolary]Where stories live. Discover now