Messenger
September 20,2021 | 8:19 AM
Miss Ma'am ♥
•Active 2 hours agoJickain:
It's been days.
I know you're avoiding me and I understand. I'm hoping to see you again, miss ma'am.Please take care of yourself.
And I already talked to Freia. Don't worry I'm with Iazone that day. I will not attend the party as well since I told her family that I am in a relationship.
Ikaw na lang hinihintay ko. I badly miss you, Pyry. I really do. Mahal kita palagi.
Delivered
***
Narrator XV
"Hoy? Anak ng! Anong nangyari dito?" Nagkatinginan ang magkaibigang sina Helios at Iazone sa isa't-isa. Ubos ang dalawang bote ng Scotch na kabibili lang nila. Saglit silang umalis para bumili ng pagkain ngunit pagbalik ay nakita ang kaibigang si Jickain na nakatulog na sa lamesa. Ilang beses pa nilang ginising ito ngunit bagsak na talaga dala ng kalasingan ang kaibigan.
"He's wasted as you can see," mahinahong sagot ni Iazone kay Helios. Nilapag nito ang bitbit na pagkain sa ibabaw ng lamesa bago nilapitan si Jickain na lango na sa alak.
What a jerk. Napailing na lamang si Iazone sa nakikitang itsura ng kaibigan. Simula kasi ng nangyaring cool-off sa pagitan nito at ng girlfriend na si Pyry ay madalas na mag-isa at malungkot ang kaibigan. Well, hindi niya ito masisisi. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nagmahal ang kaibigan kahit pa sa kaliwa't kanang isyu nito sa opisina dahil sa pagiging babaero. Ayon sa karamihan.
"Kawawa naman ang papi jerk natin, wasted na nga at sawi. Damayan kaya natin?" Sa halip na malungkot ay tila natuwa pa ang kaibigang si Helios sa kalagayan ni Jickain. Tatawa-tawang ginising nito ang kaibigan.
"Love is in the air! Haha. Damn. Our jerk is really in love? Takte! Parang this calls for a celebration talaga!" Malakas pang wika nito sabay kinuha ang bote ng scotch na mayroon pang kaunting laman at ininom iyon.
"Geez. Scotch is the best. Anyway, have you seen Pyry these past few days? Sabi kasi ni Jicks hindi nagrereply si Py," tanong ni Helios kay Iazone.
Iazone just gave him a bored look and raised his middle finger.
"Kalalaking tao, tsismoso. Can you stop being an asshole, Hel? Your name suits on you." Nakangising sagot nito kay Helios. Sinamaan lamang ng tingin ni Iazone si Helios.
"How about we call her? Hindi pa naman sila break 'di ba? Nanghingi lang ng space si Pyry dahil sa ginawa ni Freia. Grabe naman kasing babae 'yon! Hindi nga siya gusto ni papi jerk pinipilit pa rin niya ang sarili niya. Nakasakit lang siya. Now, look at him. Tsk."
"Hayaan na muna natin sila. There's a right time for them to talk."
"Naaawa ako kay papi Jicks eh."
"Really, Hel? Pero hindi ka naawa doon sa kaibigan ni Pyry? I heard hindi mo pa binabalik yung purse nung tao."
Napasimangot si Helios sa sinabi ni Iazone sabay napangiti ng nakakaloko.
"Right. That petite girl. Well, I want to see her again."
"Again? You like the girl?"
Mabilis na tumakbo papasok sa loob ng kwarto si Helios nang marealize kung anong nasabi niya.
Fuck! Bakit ako napaamin kay Iazone?
"Get your ass off here, you freaking holy son of a gun!" Malakas na sigaw pa ni Iazone sa kanya. Inis namang hinampas ni Helios ang noo sa katangahan. Anak talaga ng tupa!
Ilang mura ang lumabas sa bibig ng kaibigan hanggang sa tumigil ito. Saglit niyang binuksan ang pinto at sumilip sa siwang niyon. Gulat siya nang makita kung sino ang nasa labas ng condo unit ni Jickain.
Pyry Snow!
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...