Narrator XII
"Boyfriend, huh?" Mapang-asar na saad ni Jickain kay Pyry. Inismiran siya nito bago nilapag ang dalang backpack sa sofa. Naroon na sila sa condo unit niya pagkatapos ng eksena sa apartment ng dalaga. Ang ina nito maging ang mga kaibigan niya ay hindi makapaniwala ng sabihin nito na boyfriend siya ng dalaga. Hindi rin naman niya akalain na sa ganoong sitwasiyon magiging opisyal ang relasyon nilang dalawa. Oo, iyon din naman ang matagal niyang hinihintay, hindi nga lang sa sitwasyong katulad kanina.
Nilapitan niya si Pyry at hinila palapit sa kanya at muling kinulong sa matipunong braso niya.
"I've been waiting for this. Thank you, miss ma'am." mahinang bulong niya habang yakap ito. Wala siyang narinig na tugon kay Pyry kaya tiningnan niya ito. Kagat ng dalaga ang ibabang labi nang iangat niya ang ulo nito.
"What's wrong?" Alalang tanong niya. Para itong maiiyak habang nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga ito bago lumayo ng dalawang hakbang sa kanya.
"I-I'm scared."
He was surprised after what Pyry said. Bakit? Natatakot ito sa kanya?
"Pyry."
"Natatakot ako Jickain. Natatakot ako na sumugal kasi baka saglit lang pala 'to. Baka katulad ka lang ng iba na iiwan din ako. Na pagkatapos kong maging masaya, in the end ako yung iiwanan-"
Hindi na niya pinatapos ang iba pang sasabihin ng dalaga. Kinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at mariing hinalikan iyon. Maingat na hinawakan niya ang likuran ng ulo nito upang hindi sila matumba pareho.
He kissed her hungrily. He encircled his arms around her waist and gently caressed her face while kissing her lips down to her neck. They were both panting after the kiss ended. He pressed their foreheads together afterwards.
"I love you Pyry. I don't want you to get scared by loving me. I won't leave you, that's a promise."
Ilang segundo siyang tinitigan ni Pyry bago sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito.
"I love you too."
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...