Messenger
September 21,2021 | 01:50 AM
You set the nickname for Jickain Alexandrius Chapman to Pumpkin ♥
Pumpkin ♥
•Active NowPumpkin ♥:
Do you want anything?
Food? Drinks?Pyry:
Nopee. I'm good. I'll just cook here.
Uuwi rin naman ako bukas ng umaga.Pumpkin:
Can you wait for me before you go home? I'll drive you home tomorrow.
Pyry:
Okay. Hintayin kita bukas.
Pumpkin ♥:
Alright. Don't forget to lock all doors and windows.
Pyry:
Haha.
Your place is in a high-security area so don't worry.Pumpkin ♥:
I'm just being careful.
Pyry:
Oo na. Oo na.
Good night to you.Pumpkin ♥:
Good night,
I love you miss ma'am.Pyry:
Mahal din po kita.
Pumpkin ♥ reacted "❤" to your message
×××××
Narrator XVII
"Pantry?" Nilingon ni Jickain ang kaibigang si Helios pagkatapos mailagay ang gamit niya sa loob ng locker. Breaktime at maswerteng nagkaroon ng system issue ang buong production kaya malaya silang tumambay sa labas ng production floor.
"Oo. Ikaw ba? Nasaan yung dalawang kulugo?"
"Palabas na. Mag-yosi break kami. Sama ka?" nakatawang ani sa kanya sabay abot ng isang stick ng sigarilyo. Kinuha naman niya iyon sabay mahinang pinukpok sa noo nito.
"You know I don't smoke. Siraulo ka talaga."
"Grabe. Para tuloy akong nakakita ng invisible halo sa taas ng ulo mo. Papi, ikaw ba talaga 'yan?"
Napailing na lamang si Jickain sa pang-aasar ng kaibigan bago siya nagpaalam na pupunta sa pantry area. Pagdating doon ay kaunti lamang ang mga ahenteng kumakain ng oras na iyon. Saglit siyang bumili ng pagkain bago naghanap ng pwesto.
"Alone?" Napaangat ng tingin si Jickain at nakita ang best friend na si Iazone. May hawak itong tray na may lamang meal at umupo sa upuang kaharap niya.
"May nakikita ka bang kasama ko?" Pamimilosopong sagot niya rito kaya naman sinamaan siya ng tingin nito. Tinawanan niya ang reaksyon nito at muling pinagpatuloy ang pagkain.
"You seem happy." Maya-maya ay puna nito sa kanya.
"Well, I am. She's back, man." Proud na sagot niya sa kaibigan. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang expression nito. Tila may lungkot sa mga mata nito ng pagmasdan niya.
"Is something going on, Iazone?" usisa niya sa kaibigan. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay nagpatuloy lang din ito sa pagkain. Hinayaan na lang niya ang kaibigan dahil alam niyang hindi ito palakwento at mas nanaisin pa nitong magsikreto sa kanya. Magkukwento lamang ito kapag handa ito o nasa mood.
"Anyway, balak ko ng ipakilala si Pyry sa parents ko."
"Oh, that's good. Congrats. I know Tito and Tita will love her. Biro mo, may nagpatino sa anak nila?"
"The heck? Matino naman ako ah?" pagdepensa niya sa sinabi nito.
"Whatever. Basta ako best man sa kasal ha?"
"Gusto mo ikaw na lang din maging bride ko? Hahaha!" biro niya na ginatungan naman ng kaibigan.
"Pwede rin. Tapos si Pyry maid of honor ko."
"Hahaha! Siraulo ka."
"Kaya nga magkaibigan tayo eh," anito sabay tayo at niligpit ang pinagkainan. Sumunod din siya kay Iazone pagkatapos ay sabay din naghugas ng kamay.
"But thanks man. I appreciate all your help. Hindi rin ako magiging masaya ng ganito kung hindi ikaw ang best friend ko."
"Huwag mo lang saktan at paiyakin si Pyry para hindi kita itakwil na kaibigan. You're in good hands now and I'm happy for both of you."
"Thank you. Pakiss nga isa." Akmang ilalapit niya ang mukha rito ng itaas nito ang kamao sa harap niya. Nagmukha tuloy na susuntukin siya nito.
"Takte! Hindi mabiro."
"Ewan ko sa'yo, Jicks. Balik na ako sa loob."
Isang mahinang tapik sa balikat ang ginawad ni Iazone sa kanya. Nakangiting sinundan niya ng tingin ang kaibigan habang palabas ito sa pantry.
For him, Iazone is not just his best friend. He's more like a brother to him and he's grateful for that.
Thanks man. I hope you'll find the right woman for you this time.
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...