Narrator XVI
"Pyry?"
Tipid na ngiti ang binigay ni Pyry ng pagbuksan siya ng pinto ni Iazone. Tila hindi inaasahan ng mga ito ang pagdating niya sa condo unit ng boyfriend na si Jickain. Sino nga bang hindi? Halos isang linggo na rin ang lumipas simula ng bigyan niya ng space ang binata. Alam niyang mali ang ginawa dahil sa halip na pag-usapan nilang dalawa ang nangyari ay iniwasan niyang makasama o makita ito.
"Hi. Is Jickain inside?" tanong niya. Maya-maya pa ay may kung sinong tumakbo papunta sa kanya at mabilis na ginulo ang buhok niya.
"Py! Kumusta? Nandito si papi Jicks." Nakatawang saad ni Helios sa kanya samantalang tuluyang binuksan ni Iazone ang pinto at pinapasok siya.
"Come in. He's inside and.. drunk." Agad siyang napatingin kay Iazone dahil sa narinig.
"Well.. you heard me. He's freaking drunk in the middle of the day," seryosong ani pa nito. Pumasok siya sa loob at agad na dumako ang atensiyon sa lalaking nakasandal ang ulo sa ibaba ng sofa. He's drunk and wasted. Ginawang unan ni Jickain ang upuan ng sofa habang ang braso ay nakapatong doon.
Habang nakatingin sa boyfriend na nakatulog dala ng kalasingan ay hindi niya maiwasang maluha. Isang linggo niyang iniwasang makita ito. Ginawa niya ang lahat upang hindi magtagpo ang landas nila kahit pa nasa iisang kumpanya sila. Kahit patuloy pa rin ang mga messages nito na binabasa lamang niya. Nagawa niyang tiisin ito dahil alam niya sa sarili niyang nasaktan siya. She received an email, an old photo of Jickain and Freia's and they were kissing in a bar. It was an old picture however, she couldn't help but to get hurt.
"I miss him," pabulong na wika niya. Magkasabay na tumingin sa kanya si Iazone at Helios pagkatapos ay binigyan siya ng mahinang tapik sa balikat ng dalawa.
"We'll leave you two. Take care of him," ani Iazone sabay hinila na palabas si Helios.
Pagkaalis ng dalawa ay nilapitan na rin niya si Jickain. Umupo siya sa carpented floor kung nasaan ito nakapwesto saka marahang inangat ang ulo nito at pinatong sa balikat niya. Maya-maya pa ay naramdaman niyang pumulupot ang braso nito sa bewang niya.
"I miss you, Py. I miss you so m-much."
Nakagat ni Pyry ang ibabang labi upang hindi makagawa ng anumang ingay. Ramdam niya ang mahinang paghikbi ni Jickain sa tabi niya. Mukhang nananaginip ito dahil ilang beses nitong tinawag ang pangalan niya. Ilang saglit pa ay nakatanggap siya ng messenger chat mula kay Iazone.
Messenger
September 20,2021| 10:15 AM
Iazone Toussaint
•Active NowIazone:
For the past years of being his
best friend, it's the first time I saw him wasted and hurt because of a woman.
He's never serious with love.
I know he likes to flirt but that's it.
He never had any serious relationship with anyone for years.And the day he asked me your name I thought he will just fool around but I guess I'm wrong.
He loves you.
That jerk is seriously in love with you, Py. Thank you for making him how to love.
Pyry:
Thank you.
seen
Matapos mabasa ang message ni Iazone ay naluluhang tumingin siya sa tulog pa ring si Jickain. Marahan niyang hinaplos ang mukha at hinalikan ang tungki ng ilong nito.
YOU ARE READING
Jickain the Jerk [epistolary]
RomanceKilala siya bilang 'playboy' sa loob at labas ng opisina. Iyon na yata ang pinakaworst na issue na narinig niya patungkol sa kanya. Hinayaan na lamang niya dahil tamad siyang magpaliwanag sa lahat. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at matulog...