31

24 2 0
                                    

Messenger

June 21,2021 | 7:45 AM

Mudra ❤
•Active Now

Mudra:

nasaan ka na? kanina pang alas singko ang labas mo di ba?

Pyry:

Ma nakitulog lang ako sa kaibigan ko. Kalmahan niyo po.

Mudra:

kaibigan lang ba? tigilan mo ako pyry snow hindi ka basta-basta nakikitulog kung kani-kanino. umuwi ka na!!! 😤

Pyry:

Ma naman, uuwi po ako. Chill ka lang. Ano po gusto niyong pasalubong? 😁

Mudra:

andoks. ayos na yun.

Pyry:

Sure na 'yan mudra?

Mudra:

oo nga saka ano pala

typing..

typing..

yung shawarma ba yun?
yung model si kathryn bernardo saka daniel padilla?

Pyry:

Huh? Shawarma po? Sige, check ko yung brand.

Mudra:

👍

×××××

Narrator VI

Matapos kausapin ang ina ay agad na napabalikwas ng bangon si Pyry nang maalala kung nasaang kwarto siya. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto hanggang dumako ang mata niya sa taong mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya ngunit mabilis din niyang iniwas ang tingin dahil kalahati lamang ng katawan nito ang natatakpan ng puting kumot. Jickain was half naked for the second time. Parang sanay na sanay itong matulog ng ganoon ang itsura.

Geez. Ang aga pa po para sa kamunduhan.

Dahil tulog pa naman ay marahan niyang sinalat ang noo ng binata. Hindi na ito kasing init katulad kagabi ang temperatura nito kaya naman inalis niya ang kumot na nakatakip sa katawan saka bumaba sa kama. Kailangan na niyang umuwi kung hindi ay malilintikan talaga siya sa nanay niya. Inayos niya saglit ang pagkakatakip ng kumot kay Jickain bago lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng pwedeng maluto para sa almusal ngunit kahit asin yata ay walang stock ang bahay. Sa huli ay ang hiningi na lamang niya ang address ng bahay sa kaibigan nitong si Iazone at nagpa-deliver ng pagkain para sa pasyente niya. Nang dumating ang pagkain ay hinanda na muna niya iyon bago nag-iwan ng maliit na note saka dinikit sa tapat ng refrigerator.

Saglit muna niyang pinagmasdan ang buong bahay bago tuluyang umalis.

Tandaan mo Pyry, ito ang una at huling beses na tatapak ka sa bahay na 'to. ani sa isip bago sumakay sa pinarang taxi sa harap ng bahay.

Jickain the Jerk [epistolary]Where stories live. Discover now