Chapter 30 Shattered into pieces

10 0 0
                                    

*Beethoven's P.O.V*


Akala ko, hanggang dulo na kami. Akala ko, dahil sa mahal na mahal namin ang isa't-isa kakayanin namin hanggang huli.

Mali pala.

Hindi pala sapat ang pagmamahal.


Bigla syang dumating sa buhay ko ng walang pasabi. Ginulo nya ang buhay ang tahimik kong buhay. Pero binigyan nya din ng buhay ang boring kong buhay. She brought many unexplainable feelings to me. She colored the gray shades of my life. She knows how to make me feel bad, she knows how to make me feel that I'm loved.

Sinanay nya kong nandyan sya, sana hindi nya na ginawa yun kung iiwan nya din pala ko.

Daig ko pa ang tumalon sa mataas na building, pero masaklap doon buhay pa ako kaya damang-dama ko bawat himaymay ng masakit sa'kin.

I was in-denial at first. Sabi ko baka naguguluhan lang sya, baka malaking joke lang ang lahat at hindi nya talaga ako iniwan.

Pinuntahan ko ang bahay ng mga Fragatta, hinanap sya don pero nabigo ako. Pumunta ako sa mga paborito nyang lugar, kahit sa mga lugar na nadaanan lang namin nung magkasama pa kami, pinuntahan ko na lahat ng lugar na pwede nyang puntahan.

Pero wala sya.

Gabi-gabi, nilulunod ko ang sarili ko sa alak hanggang sa hindi ko na kayang maglakad. 

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa ko pupunta para lang makita sya.

Gustong-gusto ko na syang makita. Gusto-gusto ko na ulit syang mayakap at mahalikan. Pakiramdam ko, mababaliw na ko.

Sinubukan ko ulit syang tawagan sa cellphone, pero agad na dumiretcho ang tawag sa voicemail. 

"Hi, this is Miles. I'm busy at the moment so please leave a message. Bye"


"My.. My umuwi ka na please... hindi ko talaga kayang wala ka.. My.. Umuwi ka na please? Ha? Magpapakabait na ko, hinding-hindi na kita papaiyakin. My-" nawala na ang kontrol ko at humahagulgol na ko sa bar counter, nagulat na lang ako nung biglang m,ay umagaw ng cellphone ko at nung tignan ko, si Bradley lang pala

"Bradley, ibalik mo sa'kin yan! Kausap ko pa si My-my!" sigaw sabay agaw ng cp ko. 

"Tama na yang Hoven! Umuwi na tayo. Lasing ka na"

Hinatak nya ko patayo, tapos kinaladkad ako palabas sa bar. "Bakit tayo uuwi? Baka dumaan dito si My-my!"

Binitawan nya ko sa konkretong sahig ng kalye, "Bakit ba ang kulit mo? HINDI NA SYA BABALIK! NAIINTINDIHAN MO BA?!"  

Natahimik ako saglit at pilit na ipinu-proseso ang sinabi nya, nawala lang ang atensyon ko nung may dumaang babae at bigla akong nagkaron ng lakas para tumayo at habulin ang babae. 

Si Mylene. 

"My! My!"

Nakalapit ako, pero nung yayakapin ko na sya bigla nya kong tinulak. Gumapang ako palapit sa kanya at nagkunyapit sa sa mga tuhod nya.. Nung mga oras na yun .. alam ko daig ko pa ang desperado. Pero wala  na akong pakialam.

"My.. parang awa mo na.. Bumalik ka na sa'kin.. Hindi ko na talaga kaya, mamatay na ko"

 "Baliw ka ba? Umalis ka nga sa harapan ko! FREAK!" Hiyaw nya sabay tulak sa'kin palayo.  

Tinignan ko pang mabuti ang babaeng palayo na sa'kin, hahabulin ko pa sana sya .. kaso lang nakita kong hindi pala sya si Mylene. Nanghihina akong napasalampak ulit sa konkretong kalye. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Isipin pa lang na hindi ko na sya makikita kahit kailan.. gustong-gusto ko ng mamatay.

Hinila ako patayo ni Bradley, "Beethoven.. Hindi na sya babalik. Kahit kailan, kahit anong hintay mo, kahit magpakamatay ka pa ngayon.. Hinding-hindi na sya babalik. Masakit pero kailangan mo tanggapin"

Biglang sumiklab ang dibdib ko sa galit. "SINUNGALING! Bitawan mo nga ko! Babalik sya! Kasi alam nyang malulungkot ako, at alam ko na mahal nya ko kaya hindi sya papayag na malungkot ako. Lalo na kung alam nya na ikakamatay ko ang kalungkutan na yun!" 

"hindi na sya babalik at tanggapin mo yun!" 

"SINUNGALING KA!" hindi ko na kayang pigilan pa ang galit ko at sinapak ko na sya pero bago ko pa sya masaktan ay naunahan nya na ko. Nagbuno kami hanggang sa natigil lang kami ng may isang bagay ang suminag sa'min. Naunang lumayo si Bradley pero ako, pinili kong wag gumalaw, ni kumurap hindi ko ginawa. 

Gusto ko malaman kung ano ang mas masakit ang pag-iwan ba nya sa'kin o ang kamatayan?

Pagod na pagod na ko, Physically and Emotionally. Gusto ko nalang matapos ang lahat.


***


Sabi nila, huli raw nawawala sa tao ang pandinig kaya nang mamulat ko pa ang mata ako agad akong nadismaya. Buhay pa ko.

Tumulo muli ang luha ko, hindi dahil sa masakit ang katawan ko, sa totoo lang hindi ko maramdaman ang alin man sa bahagi ng katawan ko. Yung sakit na natamo ko sa pagkabangga, hindi sapat para mamanhid ako sa nararamdaman kong pagka-ulila ko kay Mylene at sa sakit na iniwan nya na hanggang ngayon damang-dama ko pa.



***



Dumaan ang ilang oras, kung ano-ano ang itinatanong sa'kin pero wala akong ganang sumagot. Isinilalim ako sa maraming tests, marami daw akong nabaling buto, pero parang hindi ko dama. 

Marami daw akong natamong sugat at pasa, bugbog na bugbog daw ang katawan ko. Pero kahit kapirasong sakit, hindi ko maramdaman dahil isa lang masakit sa'kin at walang sinabi  ang sakit ng katawan ko sa sakit na nararamdaman ng parte yun.

Inoperahan pa ang ilan at nilagyan ng bakal, ewan ko kung paano nila nagawa yun samantalang wala naman akong binigay na perang pampa-opera.

Ilang araw din ang lumipas na nasa Ospital lang ako, tulala at walang pakiramdam. Hindi ko alam kung paanong buhay pa ko pagkatapos ng nangyari sa'kin. Akala ko talaga, magiging malaya na ko sa sakit at matatapos na ang lahat.

Akala lang pala ang lahat.

Pero kahit ganon ang nangyari sa'kin, ang pinakamasakit at pinaka mahirap tanggapin sa lahat... 

Hinihintay ko pa din na sumilip man lang sya, 

kahit walang sorry, kahit sumilip lang sya, pakiramdam ko tatanggapin ko pa din sya sa buhay ko ng buong-buo dahil alam kong kahit anong mangyari sa'kin MAHAL NA MAHAL ko pa din sya.

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon