Chapter 26 The struggle continues

17 0 0
                                    

*Beethoven*

Mahigpit pa rin ang kapit ni Mylene sa'kin kahit na nakalayo na kami sa school at nadito na kami sa bahay nya. Hindi sya umiimik. Ayoko man.. pero nadudurog ang puso ko sa pagkahabag sa kanya. 

Siguradong panibagong trauma na naman ang nangyari sa kanya ngayon. Bakit ba sila galit na galit kay Mylene? Bakit hindi nila makuhang tantanan ang pinakamamahal ko? 

Dumiretso ako sa kwarto nya habang buhat-buhat pa din sya. Maingat ko syang inihiga, bahagya sana syang aalma ng maghiwalay kami pero hindi nya na ginawa dahil niyakap ko na sya ng buong higpit. Sumiksik naman sya sa dibdib ko na para bang takot na takot syang iwanan ko. 

Naramdaman ko ang muling pagkabasa ng damit ko dahil sa mga luha nya. Wala akong magawa kundi ang hagudin lang ang likod nya habang yakap yakap sya. Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin na makakapag-pagaan ng kalooban nya. 

Nang maalala ko kung anong tanging nagpapakalma sa kanya katulad nang dati. Sinimulan kong maghumming. 

Wala akong maisip na magandang kanta kundi ang paborito nyang kinakanta ko na Paniwalaan Mo. Bahagya syang nag-angat ng tingin sa'kin at bingiyan ko sya ng mumunting halik sa ilalim ng talukap nya kung saan kanina lang ay umaagos ang luha nya. 

If only I can kiss all the pain away, I will kiss her every single second. Kung may pwede lang akong gawin para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman nya, Gagawin ko kahit ano pa yun.

Pero sa ngayon, eto lang alam kong makakapag-pagaan ng loob nya.

Ilang saglit pa, ngumiti na ulit sya sa'kin sa wakas. Hindi ko mapigilang mapangti din.

Sumubsob syang muli sa dibdib ko, tapos biglang yumugyog ulit ang balikat nya. Humahagulgol na naman sya. Hinatak nya ang damit ko tsaka umiling ng umiling sabay sabing "Hindi ko kaya Hoven. Hindi ko talaga kaya"

Naguguluhan akong pinaharap sya sa'kin "Alin ang hindi mo kaya Mylene?"

Kagat nya ang labi nya at pigil ang hikbing umaambang muli, "Hindi ko kayang mawala ka"

"Hindi naman ako mawawala ah? Hindi na kita iiwan. Ok?"

Umiling-iling sya "Gusto ng Mama mo na hiwalayan kita. Pero... kahit anong isip ko... Hindi ko talaga kaya... Kahit ano na lang hilingin nya... wag ikaw. Hindi ko talaga kaya"

Muli ko syang niyakap ng mahigpit. Kawawa naman ang mahal ko, ipinahiya na nga sya, gusto pa ng magaling kong Ina na hiwalayan nya ko na nag-iisang kakampi nya sa lahat ng bagay. Bakit ba ayaw nila kay Mylene. Wala naman syang ginawang masama. Nagmahal lang sya. Bakit nila pinapahirapan ang taong mahal ko?

"Wag kang mag-alala. Hindi nila tayo kayang paghiwalayin. Kahit anong gawin nila, hindi tayo maghihiwalay"

Tumango-tango sya at muling hinigpitan ang yakap sakin. Ilang sandali pa ang lumipas na ganun lang kami.

***

Ayoko sanang pumasok muna kami sa trabaho kasi alam kong hindi pa sya totoong OKAY. Pero nagpumilit sya. Pumayag na din ako total naman dun din tutugtog ang banda ko ngayon.

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon