Chapter 10 Meet the Parents

36 1 0
                                    

*Mylene P.O.V*

 Kakapasok ko palang sa Resto nila Lia, Sinugod nya na ko ng tanong "Sinaktan ka daw ni Abby?"

 

"Ah... Medyo?"

 

Lumaki ang mata nya at napahawak sya sa magkbilang braso ko ng mahigpit "SINAKTAN KA NG BABAENG YON?!"

Napakagat ako sa labi ko. Paano ba 'to? Siguradong magiging dragon si Lia na manunugod at hahamon ng away kay Abby.

"Siguro, Mas mabuting SYA na lang ang tanungin ko." pagkasabi nun  binitawan nya ko sabay hablot sa bag nya at nag-a-ambang umalis.Pero pinigilan ko sya. Kahit na galit ako kay Abby dahil sa ginawa nya, Feeling ko karapat-dapat lang yung sampal nya para magising ako sa katotohanang may nagmamay-ari na sa taong minamahal ko. Sa kabila ng ginawa ni Abby sakin, Ayoko paring magalusan ang mala-anghel nyang mukha ng dahil sa'kin "Cecilia, Makinig ka. Nasampal nya ko, dahil kasalanan ko"

"SINAMPAL KA NYA?!"

"Dahil KASALANAN KO."

Napatigil si LIa at tinitigan na nya kong mabuti. Galit na galit ang mga mata nya at sinusukat nya kung nagsasabi ba ko ng totoo. Dumistansya sya mula sa'kin at salubong ang kilay na nagtanong sa'kin. "Ano namang kasalanan mo at nagkaron sya ng karapatang saktan ka?!"

Hindi ako naka-imik, Unti-unti akong yumuko. Paano ko ba sasabihin ang dahilan? Siguradong itatakwil nya ko kapag nalaman nya.

"Bakit hindi mo masabi ang dahilan? Pinuprotektahan mo yung babaeng nanakit sa'yo?! 

For Christ's sake! SINAKTAN KA NYA!"

"I deserve that slap"

"WHY?!"

"Hinalikan ako ni Yael" Nalaglag ang balikat nya pagkasabi ko non. "Kasalanan ko din, Kasi wala akong ginawa para hindi nya gawin yung bagay na yun"

Umiling-iling sya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko  "Sorry. But, I can't believe you"

Itinaas ko ang mukha ko para magsabi ng totoo. Bahala na kung ano ang mangyayari, Basta nasabi ko sa kanya ang katotohanan.

 "Totoo lahat ng sinabi ko. Alam mo kung gaano ko kagusto si Yael. Pero hindi ko intensyon na manakit ng kahit na sino at yung halik na yun, isa lang yung MALAKING PAGKAKAMALI"

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon