Chapter 33

3 0 0
                                    

*Yael's P.O.V*

Sanay ako sa buhay na marangya. Yung tipong hindi ko pa hinihiling pero nasa harap ko na.

Kaya isang malaking adjustment ang nangyari sa'kin sa America. Nung umpisa, sagot pa lahat ng parents ko lahat ng bills ko. Wala akong problema, pero biglang humina ang business namin at kinailangan ng parents ko na magsara ng ilang branch at umuwi ng Pinas para ayusin ang main branch.

Bigla akong nahiya sa parents ko, kasi dapat ako ang nagpapadala sa kanila dahil ako ang nasa ibang bansa pero baliktad ang nangyari.

Ako pa ang pinapadalhan ng parents ko ng pera. Kaya naisip kong magtrabaho.

Nung una sobrang mapili pa ako sa trabaho pero nung nagsimula na ang therapy kay Miles, kahit pagiging bell boy pinasukan ko.

Bell boy, Waiter, Bartender, Delivery guy etc. Name it, lahat ata ng trabaho napasukan ko na para lang kumita ng mas malaki.

Akala ko, exagerrated lang yung iba nung sabihin nilang "kayang mong gawin lahat para sa taong mahal mo". Hindi pala.

Sa sitwasyon ko kasi, higit pa sa kaya ko ang nagagawa ko para lang sa kanya.

Iba pala talaga kapag sobra mong mahal ang isang tao, nakakalimutan mo na pati sarili mong kapakanan. Kaligayahan na lang nya ang mahalaga sa'yo.

Alam ko naman kung ano ang makakapagpasaya sa kanya pero kasi... ang hirap ibigay. Pakiramdam ko kapag nawala sya sa'kin, mawawalan ng direksyon ang buhay para bang mawawalan ng saysay ang lahat.

Kaya nga lahat ginagawa ko mapasaya sya kasi hindi ko na alam ang gagawin kapag nawala pa sya

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon