Chapter 7 Breaking his face!

41 1 0
                                    

*Beethoven's P.O.V*

Nag-ayos na ko ng sarili ko para pumasok. Bihis na ko ng maalala kong nagluto nga pala si My-my. Hindi ko kasi talaga ugali na kumain dito sa bahay, madalas sa labas talaga ko kumakain.

Miswa lang talaga ang niluto nya, Walang kahit anong sahog. Tuloy parang naging soup. Pero masarap ang niluto nya kahit walang sahog.

Biruin mo may talent pala ang babaeng yon sa pagluluto?!

Bago ko umalis, dinala ko na din ang DSLR ko. Bukod kasi sa pagtugtog at pagpipinta, Photography ang isa pa sa mga hilig ko.

***

School festival ngayon at kasama sa requirements namin na i-cover yun. Pagkarating ko ng school pumunta agad ako sa school grounds. At isang naka-ngiting My-my ang nahagip ng mata ko. Kagabi lang, luwang-luwa ang mata nya sa kakaiyak pero ngayon halos mapunit na ang labi nya sa kakangiti.

Kakaiba talaga sya. Kinuhuan ko sya ng stolen shot baka kasi magyabang sya kapag nalaman nyang kinukuhaan sya ng picture. Ang kaso lang, Nakalimutan kong tanggalin ang flash kaya wala rin napansin din nyang may kumukuha ng litrato sa kanya.

Nakangiti syang lumapit sa'kin kasama ang bestfriend niya.

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo kaming kuhaan ng picture, edi sana nakapag-pose kami ng maayos" sabi nung bestfriend nya

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. May kakapalan pala ng mukha ang kaibigan ni My-my. Kaya pala magkaibigan sila.

Nakangiti naman akong binati ni Mymy. "Kamusta Hoven? Nakatulog ka ba ng maayos?"

'Makatanong 'to. Akala mo, hindi kami magkatabing matulog. Tss!' "Ayos lang. Nagkaharap na ba kayo?"

"uhm-uhm. 96% nga grade ko sa PE eh"

"Talaga?? Baka nakapikit yung Prof nyo habang nagsasayaw ka?"

"Hindi aah! Magaling talaga ko kanina! Dapat pala vinedio ko para may ipakita sa'yo"

Gusto ko sanang matawa dahil sa reaksyon ni My-my pero pinigilan ko baka pagkamalan ako nito ng nasisiraan ng ulo

"Dali na Hoven, Picturan mo na ulit kami. Yung hindi stolen"

"Ayoko. Masisira ang camera ko." pagkasabi ko nun tinalikuran ko sila .

"Hoy Hoven! Kita mo 'to? Kung kailan READY na kami tsaka ka naman nag-inarte!" sigaw nung kaibigan ni My-my

"Hayaan mo na. Baka kasi mas maganda ka kapag stolen shot" Narinig kong pang-uuto ni My-my.

Ang galing nyang magpalubag ng loob ng iba, samantalang sa sarili nya, Hindi nya magawa. Ang labo talaga nya.

"Hoven, pahiram naman kami. Promise, Hindi namin sisirain" sabi ni My-my

"A-Y-O-K-O. Wala akong tiwala sa'yo, dahil sa lahat ng clumsing kilala ko, Ikaw yata ang pinakaMAGALING dun"

Hinampas nya ko ng mariin sa balikat sabay sabing "ANSAMA MO!"

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon